Bitter No More: Ikadalawampung Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikadalawampung Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem

Bitter No More.PNG

Ang Nakaraan...

"Sabi ko na nga ba, e! Kaya iba ang pakiramdam ko sa 'yo dati pa! Hindi lang simpleng kaibigan ang turing mo kay Anchelle!" Tiim-bagang na saad ni Jade habang nakatingin nang masama kay Ariel.

Namumula ang mukha ni Ariel dahil sa pagtitimpi. Gusto na nitong sugurin si Jade, pero pinipigilan lang nito ang sarili. Paulit-ulit nitong isiniksik sa utak na walang mabuting maidudulot ang pakikipagbasag-ulo kay Jade.

"Tara na, An An! Don't mind that jerk!" Hinila siya ng kaibigan palayo kay Jade.

Napatingin na lang siya kay Jade at nakita ang galit na pagmumukha nito bago sila tuluyang makalayo ni Ariel.


HAWAK pa rin ni Ariel ang kamay ni Anchelle habang naglalakad sila palayo kay Jade. Pinabayaan lang niya ito sa ginawang paghila sa kaniya dahil malaki rin naman ang pasasalamat niya sa pagdating nito kanina.

Kung hindi ito dumating, malamang ay nagpadala na naman siya sa emosyong nasa loob niya. Malamang ay umiral na naman ang pagiging martyr niya at baka nagmakaawa na siya na balikan ni Jade. Buti na lang talaga at dumating ang kaniyang kaibigan na siyang bayani ng martyr at tanga.

“Upo muna tayo, An An.” Tumigil si Ariel sa paglalakad nang makarating na sila sa isang maliit na park.

Naguguluhan man siya ay sinunod na lang niya ang sinabi ng kaibigan. Nang makaupo na siya sa isang bakanteng upuan ay umupo na rin si Ariel sa tabi niya.

“Paano mo nalamang pumunta ako sa bahay nina Jade kanina?” usisa niya sa katabi.

Ngumiti muna ito bago sumagot, “S’yempre, magkapit-bahay kami ni Jade kaya malamang nakita kita noong saktong napadaan ako sa kanila.”

Hindi siya nakaimik dahil napahiya siya sa sinabi nito. Malamang ay napa-praning na siya sa kaiisip na sinusundan talaga siya ng binata kaya nawala sa isip niyang magkapit-bahay nga pala ang dalawa.

Tumawa lang siya nang pagak at tsaka pinilit na ibahin ang usapan nila. “Oo, alam ko. Hindi pa ba tayo aalis dito? Nakakairita kasi ‘yung mga lovers na nakapaligid sa atin. Ang aga-aga, PDA na ang inaatupag,” mapait niyang komento sa mga magkatabing magkasintahan.

Bigla namang nagbitiw ng mapanuksong tawa si Ariel. “You’re so bitter, An An!”

“I’m not! It’s just that they remind me of our sweet little talks and conversation. Paano ako makaka-move on kung ganyan sila?” naiiritang bulyaw niya sa kaibigan at kunot-noong nakamasid sa mga taong nasa kanilang paligid.

Lalo lang siyang pinagtawanan ni Ariel at mukhang aliw na aliw ito sa reaksyon niya. “So, kasalanan talaga nila kung bakit hindi ka maka-move on?” tanong nito sa gitna ng pagtawa.

Inirapan niya ang binata at nagsisimula nang humaba ang kaniyang nguso dahil sa sobrang irita. “Hindi! But still…” Napabitiw siya nang malalim na buntong-hininga at nagdadalawang-isip na sabihin ang totoong nararamdaman niya.

“Tell me what’s wrong, An An?” interesadong tanong nito sa kaniya.

“I feel envy, Ariel. Bakit ‘yung iba may perfect love life? Bakit ako wala? Sa lahat, bakit ako pa ‘yung niloko? Hindi ko tuloy alam kung makakahanap pa ako ng matinong lalaki na totoong magmamahal sa akin. I know I’m still young, but I can’t avoid thinking negative thoughts about love,” malungkot niyang pahayag.

Nagpakawala rin nang malalim na buntong-hininga si Ariel at mataman siyang tinitigan. “Rule two point five, be positive and always remember that things happen for a reason. If you fail on something, don’t think that you will fail for the rest of your life. Hindi tayo uusad kung hahayaan nating lamunin tayo ng mga negatibong bagay.” Binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti. Ngiting nagpapagaan ng kaniyang loob.

Napangiti rin siya at napayakap sa kaibigan. “A million thank you, Ariel! Lagi mo na lang akong iniintindi at pinapagaan ang loob ko. You are the best bestfriend ever!”

a.png

INIHATID din siya agad ni Ariel sa kanila matapos nilang mag-usap. Niyaya niya itong pumasok at kumain sa kanila pero tumanggi ang binata dahil may lakad pa ito.

“Babalik ako rito mamaya. Pakisabi na lang kay Angelo na mag-practice muna siya dahil maglalaro kami ng video games mamaya,” sabi nito bago magpaalam.

Tumango lang siya sa kaibigan at nginitian ito.

Nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay ay isang matinis na boses ang sumalubong sa kaniya.

“Annie!” sigaw ng isang babae sa palayaw nito sa kaniya at mabilis siya nitong niyakap.

“M-Mia?” gulat niyang tanong nang makita ang pinsan niya na siyang yumakap sa kaniya.

Kumawala ito sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya. “Yes, it’s me! How are you, Annie?” masiglang turan nito at abot-tenga rin ang ngiti.

“I’m fine! Ikaw? Bakit ngayon mo lang naisipang bumalik dito after almost five years? Magbabakasyon ka lang ba rito? Or dito ka na talaga ulit titira?” usisa niya sa pinsan.

“Nah! Long story! I’ll tell you later. But yes, dito na ako titira,” natatawang sagot nito. “Nga pala, how’s Ariel? May Girlfriend na ba ‘yung kaibigan nating ‘yun?” pag-iiba nito ng paksa.

“He’s fine. Sayang nga’t hindi siya pumasok dito kanina, makikita mo sana siya. Inihatid niya kasi ako rito pero umalis agad kasi may lakad daw siya. Ewan ko nga ba kung bakit hindi pa nagkaka-girlfriend ‘yun, e. Malamang, hinihintay niya talagang bumalik ‘yung greatest love niya.” Binigyan niya ang pinsan nang mapanuksong ngiti at tingin.

Ngumiti ito saglit ngunit agad na binawi iyon. “Ariel is a good man. Kaya nga I rejected his feelings when he admitted that he loves me more than a friend.”

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ng kaniyang pinsan. Buong akala niya ay hindi umamin si Ariel kay Mia na mahal nito ang kaniyang pinsan. At buong akala niya rin na walang kaalam-alam si Mia na higit sa kaibigan ang pagtingin ni Ariel rito. Mukhang siya ang walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa dalawa.

“Ayaw kong saktan siya kasi alam kong pupunta kami ng States after our High School graduation. Magiging mahirap para sa aming dalawa na magkalayo. Pero mapilit pa rin siya. Sabi niya, hihintayin niya akong bumalik dito no matter how long it is. Pero hindi ko alam kung kailan ako makakabalik dito kaya pinalabas ko na lang na may Boyfriend na ako roon para hindi na siya umasa pa at nang makahanap na rin siya ng babaeng para talaga sa kaniya,” pagpapatuloy pa nito.

“Nakakainis kayo! Ang sama n’yo! Akala ko ba best friend n’yo rin ako? Ba’t nilihim n’yo sa ‘kin na may sekreto pala kayong ganyan?” nagtatampo niyang turan sa pinsan.

“Sorry na, Annie!” Niyakap siya nito para hindi na siya magtampo. “Alam ko naman kasing pagagalitan mo ako kapag sinabi ko sa ‘yo ang mga ‘yun. Baka kasi hindi mo maintindihan ang rason ko kaya pinili kong itago ang mga ‘yun. Pasensya na rin at itinago ko sa inyong dalawa ni Ariel na may nararamdaman din ako sa kaniya. Na mahal ko rin siya,” nakayuko nitong sabi at halatang nalulungkot.

Nagulat siya sa rebelasyon ng pinsan. Ngunit mas nagulat siya pati na rin si Mia nang may magsalita mula sa kanilang likuran.

“Kaya hindi ako sumusuko kasi nararamdaman ng puso kong mahal mo rin ako.”

Sabay silang napalingon ni Mia sa kanilang likuran. Nakita nila ang papalapit na si Ariel na may nakaguhit na malapad na ngiti sa mukha.

Napalunok ng ilang beses si Mia at halatang kinakabahan. Tila sasabog ang puso nito dahil alam na ni Ariel ang totoo.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi
Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-walong Bahagi
Bitter No More: Ikalabingsiyam na Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan: 1, 2

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

No! No! No! No! Hindi ito maaari!!! Bakit bumalik si Mia? Hindi pwede yaaaaan!!! Ang tagal konh naghintay tapos ito pa! Bakit ka ganyan ate @jemzem? I am so broken hearted right now!!! Hahahah

May mga bagay talagang akala natin nakatadhana, pero hindi naman pala. Charooot! Hahahaha. Thank you at inaabangan mo pa rin pala ito, Mam Rome! Na-miss ka ng Team Anyel. :D

Congratulations @jemzem! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published
Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63960.62
ETH 3142.95
USDT 1.00
SBD 3.95