Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabimpitong Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

"I can't afford to see you dying inside. Hindi kita iiwan, An An. I will be always at your side even at the worst day of your life," sinserong tugon ng kaibigan.

Isinubsob niya ang luhaang mukha sa balikat ng binata.


NAKAUWI na sa kanilang bahay si Anchelle dahil sinundo na siya ng Mama niya. Walang tigil ang pagsermon nito sa kaniya hanggang sa umabot na sila sa kanila. Pero hinayaan lang niya ito dahil alam niyang maling-mali ang ginawa niya at dapat lang siyang pagalitan.

"Kapag nalaman talaga 'to ng Papa mo, patay ka talagang bata ka! Naku, binibigyan mo talaga kami ng sakit sa ulo! Kung kailan malaki ka na at malapit nang makapagtapos ng pag-aaral, tsaka ka pa gumagawa ng kalokohan! Ano bang problema mo, ha?" litanya ng Mama niya.

Yumuko lang siya at hindi makatingin sa Ina. "Wala na po kami ni Jade," bulong niya. "Sorry po, Ma. Hindi na mauulit."

Humugot nang malalim na buntong-hininga ang Mama niya at nilapitan siya, tsaka niyakap.

"Bakit, Nak? Anong nangyari? Ba't biglaan naman yata ang paghihiwalay n'yo? Kaya ba lagi kang tuliro at hindi makausap nang matino nitong mga nagdaang araw?" usisa nito sa kaniya habang sinusuklay ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri nito.

Tumango lang siya bilang sagot.

"Naiintindihan kita, Anak...." bulong ng Mama niya. "Pero hinay-hinay lang. Hindi natatapos ang buhay mo sa pagkawala ng isang taong importante sa 'yo. Nasaktan ka man ngayon, pero hindi ibig sabihin na masasaktan ka na lang habang-buhay. Ayusin mo ang buhay mo ngayon at balang-araw ay pasasalamatan ka ng sarili mo sa hinaharap."

Naiyak siya sa sinabi ng Mama niya. Masuwerte siya dahil maraming nagpapagaan ng loob niya sa panahong pakiramdam niya ay walang makapaghihilom ng sugat sa kaniyang puso. Pero mali siya ng akala, dahil mayroon siyang mapagmahal na kaibigang handang tumulong sa kaniya na ibangon ang sawi niyang puso. At higit sa lahat, may magulang siyang handang umintindi sa kaniya at nagpapaalalang kailangan niyang ayusin ang kaniyang buhay para sa magandang hinaharap.

7.png

"Hi, An An!"

Nagulat si Anchelle nang biglang sumulpot sa kaniyang likuran si Ariel.

Kasalukuyan siyang kumakain ng cookies habang nanonood ng cartoons nang bigla itong dumating.

"Upo ka. Kain tayo," yaya niya kay Ariel at iniabot niya ang jar ng cookies sa binata.

Kumuha naman ito ng isang piraso ng cookie at agad na kinain.

"Buti naman at hindi ka na nagmumukmok sa kuwarto mo," wika nito habang nginunguya ang kinakain. "Pero bukod sa panonood ng cartoons at pagkain ng sandamakmak na cookies, ano pang ginawa mo sa araw na ito?" tanong nito at muling kumuha ng isa pang piraso ng cookie.

Nagkibit-balikat siya at nginitian ang binata. "Wala. Kumain lang ako nito," sagot niya sabay subo ng cookies sa bibig niya. "Actually, pang-apat na jar ko na nga 'to, e."

Natigilan sa pagnguya si Ariel at kumunot ang noo nito. "Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan niya.

Tumango lang siya at ngumiti bilang sagot.

"Akala ko pa naman last rule of the don'ts of moving on na 'yung sinabi ko sa 'yo kagabi. Pero it seems that hindi ka pa ready for the dos of moving on." Napabuntong-hininga na lang ito at halatang dismayado sa kaniya.

"Bakit? Ano na naman bang nagawa ko?" tanong niya sa kalmadong boses.

"Nilabag mo lang naman ang Rule one point fifteen." Muli itong nagpakawala ng buntong hininga. "Don't let yourself get run down by over-eating, not exercising, and etsetera."

"Umabot na pala sa fifteen 'yung rules na sinabi mo sa 'kin? Bakit wala man lang akong natandaan ni isa?" natatawang sambit niya na dahilan ng pagsimangot ng binata.

"Grabe ka naman, An An! Hindi mo pinahahalagahan ang advices and words of wisdom ko. Nakakasakit ka na talaga ng damdamin," malungkot na wika nito.

Lalo siyang natawa dahil sa nakasimangot na mukha nito. "Joke lang! Ito naman! Ang daling magtampo. Siyempre may natatandaan din naman ako sa mga pinagdadaldal mo sa 'kin kahit papaano. Yun nga lang, kaunti lang 'yung natatandaan ko."

Umaliwalas naman ang mukha ng kaibigan niya. "Kung ganoon, tayo na't mag-exercise! Tingnan mo 'yang bilbil mo…." sabi nito sabay pindot sa tagiliran niya. "Sumisilip na mula sa damit mo!"

Napahampas na lang siya sa binata at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Tara! It's time to follow the rules of my greatest Love Guru!" wika niya at binigyan ng matamis na ngiti ang kaibigan. "I will follow your advices from now on. I want to move on and forget the painful memories that I had with Jade," aniya habang positibo ang kaniyang isipan sa mga mangyayari.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63071.06
ETH 3121.31
USDT 1.00
SBD 3.84