Bitter No More: Ikalabingsiyam na Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabingsiyam na Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

"To answer your question kung saan ko napulot ang mga rules na 'yan, it's all of the above," nakangising wika ng kaibigan. "I get it from google, books, and blogs. Pero mayroon din naman akong personal tips doon sa mga pinagdadaldal ko sa 'yo. And one of these days, kapag totally naka-move on ka na at successful ang pagiging Love Guru ko sa 'yo, you'll find out everything. Well, aside from helping you, you'll know the reason why I'm so motivated in doing this." Kitang-kita sa mga mata ng binata ang pagkasabik na sabihin sa kaniya ang rasong tinutukoy nito.


MATAPOS kumain ay sabay na napadighay sa busog sina Anchelle at Ariel. Ni hindi nga sila nag-uusap habang kumakain dahil itinuon lang nila ang kanilang atensyon sa masarap na adobong manok na niluto ng Mama ni Anchelle.

"Thank you po sa pagkain, Tita Alice! Busog na busog po ang alaga ko! The best po talaga ang adobo n'yo!" wika ni Ariel habang hinimas-himas pa ang tiyan nito.

"Walang anuman, Ariel. Masaya ako't nakapag-dinner ka ulit dito kasama namin," nakangiting sagot ng Mama niya.

"Ma, akyat po muna ako sa kuwarto ko, magbibihis lang ako saglit." Tumango naman ang Mama niya sa kaniya kaya binalingan niya si Ariel. "Akyat muna ako saglit, Ariel. Maglaro na muna kayo ni Angelo ng video games." Matapos niyang sabihin iyon ay umakyat na siya papunta sa kaniyang kuwarto.

Nang makapasok na siya sa kaniyang kuwarto ay agad siyang nagbihis ng pambahay na damit. Agad kasi silang pumwesto sa mesa nang dumating sila sa bahay nila kanina kaya hindi siya nakapagbihis agad. Hindi pa man kasi sila nakakapasok ng bahay ay naaamoy na nila ang masarap na adobo ng Mama niya.

Nagmamadali siyang bumaba kaya naman sa halip na ilagay nang maayos ang pinagbihisang damit sa kaniyang basket ng labahin ay inihagis niya ito na tila bolang inihagis sa loob ng ring. Dahil medyo malayo ang basket na iyon ay hindi pumasok doon ang inihagis niyang damit. Bagkus ay nag-landing ito sa kalapit na maliit na mesa, na dahilan ng pagkahulog ng iilang gamit na nakapatong sa mesang iyon.

Naiinis siya nang kaunti dahil sa pag-iral ng kaniyang katamaran. Kung inilagay na lang sana niya nang maayos ang pinagbihisang damit at hindi inihagis iyon, nakababa na sana siya ngayon.

Lumapit siya sa mesa kung saan nag-landing ang damit niya. Kinuha niya ang pinagbihisang damit at itinapon sa basket. Isa-isa niya ring pinulot ang mga gamit na nahulog mula sa ibabaw ng mesa.

Bigla naman siyang natigilan nang mahagip ng kaniyang mata ang kuwintas na ibinigay ni Jade sa kaniya noong first anniversary nila bilang magkasintahan. Dahil sa nakita ay tila bumalik ang matatamis na alaala noong ibinigay ni Jade sa kaniya ang kuwintas na iyon.

Awtomatikong kumilos ang kaniyang mga daliri at binuksan ang pendant ng kuwintas na may hugis puso. Nakita niya ang nakangiting larawan nila ni Jade sa pendant na iyon. Napapikit na lang siya habang mahigpit na kinuyom ang kaniyang kamay na may hawak ng kwintas. Pinigilan niya ang pagbuhos ng emosyong gustong kumawala sa kailaliman niya ngayon. Nanatili siyang nakapikit habang nilalabanan ang kaniyang emosyong gusto nang sumabog.

"An An..."

Dumilat siya nang marinig ang boses ng kaniyang kaibigang nasa sa kaniyang harapan. Bitbit nito ang kahong kinuha nito dati na naglalaman ng mga bagay na ibinigay ni Jade sa kaniya.

"Saan mo ba 'yan itinago? Akala ko, dinala mo 'yan sa bahay n'yo," mahina niyang sambit.

"Itinago ko lang 'to sa garahe n'yo," sagot ng binata.

"Sige, ilagay mo na lang doon sa ilalim ng kama ko," walang gana niyang utos dito.

Ngunit sa halip na sundin nito ang utos niya ay ibinababa pa nito ang bitbit na kahon sa kaniyang harapan.

"Rule two point three, remove all his gifts, photographs, and love letters. Remove and throw away all the things that he gave to you and made you remind of him and your memories together."

Tumitig siya sa kaibigan, tsaka ibinaling ang paningin sa kahong nasa harapan niya at sa hawak niyang kuwintas.

"Siguro oras na para totohanin ko ang pagpapalaya sa kaniya," malungkot niyang bigkas habang pinipigilan ang pagbagsak ng kaniyang luha.

a.png

KINAUMAGAHAN ay maaga siyang lumabas ng kanilang bahay. Bitbit niya ang kahong naglalaman ng samu't-saring bagay na nagbibigay alaala sa kaniya kay Jade.

Nang makarating siya sa tapat ng gate ng isang malaking bahay ay agad niyang pinindot ang door bell doon. Bagama't kinakabahan ay pinilit niyang palakasin ang kaniyang loob. Oras na para tulungan ang sarili niyang maka-move on.

Mayamaya pa ay may lumabas na lalaki sa gate. Nakaporma ang hitsura nito na tila may lakad.

"Anchelle?" gulat na tanong nito nang makita siya.

Walang sabi-sabi ay agad niyang iniabot ang kahon sa binata. Naguguluhan man sa kaniyang ginawa ay tinanggap naman nito ang iniabot niyang kahon.

"Ano 'to?" Nakapinta sa mukha ng binata ang kuryosidad at pagkalito habang nakatuon ang mga mata sa hawak na kahon.

"Gusto ko lang isauli ang mga 'yan. Hindi ko pa kasi kayang sunugin ang mga 'yan, kaya isasauli ko na lang. Ikaw na ang bahalang sumunog sa mga 'yan o ano mang gusto mong sa gawin d'yan. Total, madali lang naman sa 'yong talikuran at kalimutan ang pinagsamahan natin, e. Kaya sisiw lang sa 'yo ang trabahong 'yan." Ngumiti siya nang mapakla pagkatapos niyang sabihin iyon. "O sige, alis na ako." Tumalikod na siya at umalis sa lugar na iyon.

Hindi niya maintindihan pero tila nabunutan ng kaunting tinik ang dibdib niya dahil sa kaniyang ginawa. Naisip niyang epektibo ang mga pinagsasabing rules ni Ariel sa kaniya. Nasasabik tuloy siyang marinig ang susunod na payong sasabihin ng kaniyang kaibigan.

Hindi pa siya masyadong nakalalayo sa bahay nila Jade nang biglang may humigit sa kaniyang braso kaya nagulat siya at nilingon niya ang gumawa niyon.

"Let's talk, Anch!" seryosong sabi ni Jade na lalong ikinagulat niya.

Magsasalita na sana siya nang may biglang humawak sa kamay ni Jade at inialis iyon mula sa pagkakahawak sa kaniyang braso.

"Rule two point four, distance yourself from him for a while," sambit ni Ariel.

Nanlaki ang mga mata niya dahil bigla na lang sumulpot si Ariel. Kung sa bagay, dapat ay matagal na siyang nasanay sa pagiging kabute nito na basta-basta na lang sumusulpot.

"Sabi ko na nga ba, e! Kaya iba ang pakiramdam ko sa 'yo dati pa! Hindi lang simpleng kaibigan ang turing mo kay Anchelle!" Tiim-bagang na saad ni Jade habang nakatingin nang masama kay Ariel.

Namumula ang mukha ni Ariel dahil sa pagtitimpi. Gusto na nitong sugurin si Jade, pero pinipigilan lang nito ang sarili. Paulit-ulit nitong isiniksik sa utak na walang mabuting maidudulot ang pakikipagbasag-ulo kay Jade.

"Tara na, An An! Don't mind that jerk!" Hinila siya ng kaibigan palayo kay Jade.

Napatingin na lang siya kay Jade at nakita ang galit na pagmumukha nito bago sila tuluyang makalayo ni Ariel.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi
Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-walong Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64420.25
ETH 3150.23
USDT 1.00
SBD 3.99