Sayaw sa sulat

in #p6 years ago

Sayaw sa SulatIMG_20180722_135029.jpg
Ang pagsusulat ay parang sayaw.
May mga hakbang na kailangang gawin.
May mga istilong kailangang pagmasdang mabuti--
upang kabisaduhin.
May mga kumpas na kailangang sundan upang 'di ka mawala.
May mga pagkakataong pagod ka na pero sige pa.
May mga pagkakataong pawis ka na pero iniinda pa.
Sa umpisa nahihirapan ka.
Paulit-ulit mong gagawin hanggang sa matuto ka.
Ganiyan ang pagsusulat, parang sayaw.
Sabayan mo lang...
Magiging magaling ka rin.
Hanggang sa masabi mo na ginawa mo lahat ng proseso.
Ginawa mo lahat ang mabuting anggulo.
Upang ipakita sa mundo na...
Kaya mo ito.
Kaya mo kahit sa simula, blanko pa ang isip mo.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62802.08
ETH 2941.62
USDT 1.00
SBD 3.59