KAPAYAPAAN ASAN KA? PEACE IN OUR COUNTRY

in #peacepoem6 years ago

Good Evening Steemians...
image
CREDIT TO Alexas_fotos Pixabay
Kailan kaya maaangkin at makukuha?
Kapayapaan sa ating bansa?
Kailan makakamtan at matatamasa?
Sa susunod pa ba kung mundo'y magugunaw na?

Kailan ang wakas at pagtatapos
Nitong digmaang demonyo ang nag-utos
Kailan matatapos itong paghihinagpis
Na ang puhunan ay dugo at pawis
Kapwa pilipino ay pinapahirapan
Dahil sa prensipyong wala naman sa katwiran
Bata matatanda ay nadadamay
Dahil sa katayuang di pantay-pantay

Mga kabataan, hindi na masisilayan
Ang pagsikat ng araw
At tila hindi na matatamasa pa
Ang tamis ng kapayapaan
Sa puso at isipan laging tanong nila
Oh! KAPAYAPAAN ASAN KA?

Bilang tao ano iyong magagawa?
Para magkaroon ng kapayapaan sa bansa?
Isipin mo sana ang kalagayan ng iba
At wag lamang ang sariling ikaliligaya

Prensipyo ko'y respituhin mo at
Karapatan mo'y igagalang ko
Tanging paraan para kapayapaan ay makamtan
Nang magkaroon ng matiwasay at mapayapang
BAYAN....

God bless steemians

SOAR HIGH, FLY HIGH STEEMIANS

I voted @steemgigs as my witness here. I also voted @surpassinggoogle as my proxy.

I am a part of @steemitfamilyph and #steemitachievers. Join us on discord!

Steemitfamilyph Discord
SteemitAchievers Discord

This is your friend
@delpha💗 image

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.13
JST 0.031
BTC 61372.29
ETH 2888.95
USDT 1.00
SBD 3.62