Ang Aking Ina

in #philippines5 years ago

image

Kanyang iningatan sa sinapupunan
dipa nasilayan ay kinasabikan
Maaaring kahantungan di kinatakutan
ang pagsilqng maging kamatayan

Hirap na tiniis, ngayon qking batid,
luha at hinagpis na hindi ko napahid.
Yakap na mahigpit ng kanyang pag-ibig
sa tuwa nya't galit akoy nasasabik.

Aking alaala, pantulog na kanta
pati na rin gatas na mula sa kanya
tanging mahalaga laging nauuna
ako ang guwapo at wala ng iba

Masuyo't malambing at maaalahanin
ang tingin sa akin isang babasagin,
lahat ay gagawin hindi man pansinin
palagi na hiling, akoy makapiling.

Mga kagustuhan kanyang binigay,
aking kahilingan walang tinanggihan.
Nagawang pagtakpan maging kasalanan,
Kaya't pagmamahal niya'y lalong naramdaman

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 66455.53
ETH 3036.81
USDT 1.00
SBD 3.67