"AKO ANG SUMULAT AT IKAW ANG PAMAGAT" - A TAGALOG SPOKEN POETRY

Isa, dalawa, tatlo
Ganyan ako kabilis na nahulog sayo
Sa bawat araw na ikay kasama ko
Akoy napamahal na ng todo

Hayaan moko magkwento ng lovestory na kakikiligan mo ng todo
Una, nakilala kita sa di inaasahang pagkakataon
Pagkakataon nung mga panahong nililigawan mo ay hindi ako
Kaibigan kong dati'y minahal mo

Pangalawa, kayo'y nagkalabuan na
At ako'y iyong nilandi na
At ako naman tong si tanga na nagpalandi rin aba
Sa mga pambobola mo'y nabihag na nga

Pangatlo, akoy nabihag na
Di na nakaalis pa
Ang pagkakahulog sayo
Ay mas lalong lumalim pa

Pang apat, tayoy nagmahalan na
Ikaw ay aking sinagot na
Sa araw na yun ako ang babaeng naging pinaka masaya
Masaya dahil ikaw ay nakilala

Panglima, ikaw ang naging kasiyahan
Ang iyong ngiti ay aking naging kayamanan
Ikaw ang naging sandalan
Sa Kasiyahan man o sa kalungkutan

Panganim, uubos ako ng mga letra at gagawa ng ilang pahina
Masambit lang ang pagmamahal sayo sinta
Mga araw na iikot sa mundo nating itinayo
Masasayang ala-ala na tayo mismo ang bubuo

Pang pito, sa relasyon ay di maiiwasan ang tampuhan

Batuhan ng masasakit na salita na tatagos hanggang laman at tatatak sa isipan
Mga luhang pupunasan ng panyo
Mga pusong nagdurugo

Pangwalo, lilipas ang sakit
Luluha ng nakapikit
Mga luhang pumapatak, na kahit gano ka katapang di mo kayang pingilan
Mga sakit na kahit iwasan ay di ka titigilan

Pangsiyam, gaya ng sinabi ko sa unang bahagi ng tula ko
Ikaw na nagbabasa nito ay kikiligin ng todo
Pero nadala ako ng emosyon ko at nabago ko ata ankwento
Gusto ko lamang ilahad ang nararamdaman ko para sayo

Pangsampo, Matatapos na ang tula at titigil na sa pagbibilang
ititigil na ang pag akda
Ng kwentong aking ginawa
Para sa lalaking binigyan ng pangalan ng diyos na Paul Gabriel Rapiza
Hindi sa pagbibilang ng sampo matatapos ang lahat
Dahil bibigkas pa ako ng mga salitang sapat
Para sa pagmamahal mong TAPAT?
Dahil para sakin ikaw lang ang lalaking karapat dapat
Ikaw yung taong ginusto ko
Pero diko inaasahang mamahalin ko ng husto
Sa lahat ng taong nandito kaya kong ipagmalaki na sa buong mundo
Na ikaw, ikaw na nagbabasa nito ngayon ikaw, ikaw na lalaking minamahal at mamahalin ko.
Ikaw na magiging tatay ng mga anak ko
Ikaw ang bubuo sa pamilyang pinapangarap ko
Ikaw lang ang gusto ko

Ikaw na nagbigay ng inspirasyon
Dito sa mundong puno ng imahinasyon
At lahat ay may limitasyon
Tayo ang bida sa libro na gagawin nating dalawa
Na kung sakaling maubos man ang pahina
Samahan mo akong punuin ulit ang iba pa
Di ako papayag na itoy matapos pa.
Sa lahat ng tulang ginawa ikaw ang unang pag aalayan ko
Na sa lahat ng taludtod nito
Pagmamahal ko ang binibigkas ko

Malawak man ang aking imahinasyon
Iniisip ko kase na hawak ko ang kamay mo sa paglipas panahon
Dumating man sa oras na ang tadhana na ang kalaban ko
Hahabulin ko ang oras makarating lang sa mundo mo
Di ko hahayaan maging taksil ang kalawakan
Hahabulin ko ang mundo makasabay lang ulit sa pag ikot nito.
Di man mabalik ang dating tayo pero pwede pa tayo mag simula ng bago.
Di ko hahayaang maubos ang tinta ng nagsusulat ng kwento nating dalawa.
Di ako papayag na magsarado ang libro at matapos ang kwento.
Di man ako perpekto
Atleast ako ay totoo
Ako ang sumulat at ikaw ang pamagat
Para bang ikaw ang pahina at ako ang aklat
Ikaw yung laman at ako naman ang balat
Ikaw yung araw at ako naman yung bulaklak na nag aabang ng iyong pag sikat
Ayan ang patunay na laging nakadepende sayo ang kasiyahan ko

Oo, walang ako kung walang ikaw
Asahan mong mananatiling sayo ang pagibig at atensyon ko kahit may makilala akong ibang tao
Dahil hinding hindi nila mababago
Ang saya, at tuwa na naramdaman ko ng dumating ka sa buhay ko
Asahan mong ikaw ang siyang laging pamagat
Sa mga tulang aking isusulat.


Please support the person who inspires many, including me, Sir Terry @surpassinggoogle by voting @steemgigs as a witness.
Visit https://steemit.com/~witnesses then type "steemgigs" in the first search box.
Also other witnesses @good-karma , @cloh76.witness vote for them just visit https://steemit.com/~witnesses
Others that we should support are: @henry-gant, @kenny-crane, @beanz, @teamsteem, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, , @steemitph, @bobbylee, @jerrybanfield ,and @paradise-found, they also have supported us. Thank you very much.

Sort:  

Thanks for mentioning eSteem app. Kindly join our Discord or Telegram channel for more benefits and offers on eSteem, don't miss our amazing updates.
Follow @esteemapp as well!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61451.22
ETH 2929.56
USDT 1.00
SBD 3.65