ang lata maingay kapag walang laman

in #philippines6 years ago

headphones.jpg
sana sa pamamagitan nito hindi ko na muli madinig ang ingay ng latang kinakalampag mo upang mapabagsak mo ako!
Mapalad ang mga taong marunong umunawa at makinig sa mga dapat nilang pakinggan.
kung ikaw man ay nabubuhay upang patayin ang bawat ilaw na nagsisilbing liwanag sa iba. Dapat kang kaawaan at ipagdasal sapagkat hindi ang kapangyarihan na hawak mo ngayon ang tunay na mag-aakyat sayo sa pedestal kundi ang Diyos na nakakakita ng bawat puso ng bawat isa.
Kahit ilang beses kang magkalat ng ingay at kahit ilang beses mo hipan ang liwanag na nagtataglay sa akin, mapapagod ka lang at mauubusan ng hangin dahil ako ay isang ina na lumalaban ng tama hindi sa katulad mong may huwad na nagpapakita ng tama. kung sa iyong sarili ay hindi ka naging tapat sa iyong ginagawa. kahit ilang ulit kang maglakay ng maskara, kahit ilang pabango pa ang iyong ilagay umaalingasaw ang bulok mong puso na walang ginawa kundi ang gumawa ng ingay upang magmuka kang tama!
Simula ngayon bukas at magpakailan pa man. ang bagay na ito ang magbibigay sa akin ng lakas upang hindi na muling madinig ang ingay ng lata mong walang laman!
Salamat BOOMPODS

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61135.20
ETH 2928.15
USDT 1.00
SBD 3.66