Anunsyo ng mga Nagwagi at ang Ika-apat na Hamon ng Dugtungang Kwento

in #philippines6 years ago

Tagalog Trail Dugsungan

Sa inspirasyong dala ng mga Steemitserye sisters, narito po at inihahatid sa inyo ng @tagalogtrail ang kauna-unahang tagisan ng kwentong dugtungan ...


Ako po si Toto ng TagalogTrail, kasama ang aking huguterong pinsan na si Junjun, ay maghahatid ulat para sa naganap na munting patimpalak.

Para sa ikalawang hamon ng dugtungang Kwento ang napiling grupo ay ang....

Unang Pangkat

na kinabibilangan nina:

@jamesanity06, @chinitacharmer, @tpkidkai at @twotripleow

Para sa kanilang mga piyesa maari mong i click ang link na ito.
Tagalog Serye: Unang Yugto ng Unang Pangkat
Tagalog Serye: Pangalawang Yugto ng Unang Pangkat
Tagalog Serye: Ikatlong Yugto ng Unang Pangkat
TAGALOG SERYE: IKA-APAT AT HULING YUGTO NG UNANG PANGKAT.

Lubhang mahuhusay ang mga sumali kaya't inabot kami ng gabi para mai-anunsyo ang nagwaging grupo. Dinala kami sa ibat-ibang lugar ng mga pangkat. Sa eksena sa isang opisina ng mga detective para sa Unang Pangkat. Sa Ehipto at sa isang tulay naman para sa Ikalawang Pangkat at nagbabalik ang aking paboritong karakter na si Dana. Sa Ikatlong Pangkat naman ay ang mahiwagang mundo ng Alovel.

Isa sa mga naging "desiding factor" para sa amin upang piliin ang Unang Pangkat ay swak sa tema ang kanilang akda. Misteryo at ang twist na si General Bato pala ang talagang salarin. (Kahit kami di rin namin naisip yun kala ko si Frank talaga)

Para sa hamon ngayong linggo ang umpisa ng dugsungan ng kwento ay sa Lunes hanggang Biyernes.

Narito na po ang prompt ngayong linggo:

Mga Karakter
  • Bida: The Reclusive Genius: Intelligent pero anti-social.

  • Kontrabida : The Monstrous Adolescent: May taglay na malakas na kakayanan pero lubos na mapanganib.

  • Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan.

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
  • Diamond (Elegance, Wealth)

  • Blood (Life, Sacrifice)

  • Music Box (Memories, Childhood)

Tema ng Ikatlong TagalogSerye
  • Action at Adventure

Mga Alintuntunin

Ang #tagalogserye ay kaprehas lamang ng orihinal na Steemitserye na ang pangunahing layunin ay dugtungan ang gawa ng naunang manunulat. Maglalagay lamang po tayo ng mga karagdagang alituntunin upang mas mapaigting pa ang hamon 😉

  1. Ang mga kalahok ay nahati sa tatlong grupo na napili sa pamamagitan ng random na pagpapares gamit ang https://www.classtools.net/random-name-picker/

  2. Ang bawat miyembro ay magkakaroon ng bilang ng pagkakasunod-sunod (na gagawin din pong random) kung saan ang unang manunulat ay gagawin ang unang bahagi ng kwento sa araw ng Martes.

  3. Dudugtungan naman po ng sumunod na miyembro ang naunang akda sa susunod na araw hanggang sa makapagsulat na ang lahat ng miyembro sa grupo.

  4. Ang bawat bahaging isusulat ay kailangang may bilang na 300 - 1000 na salita lamang. ( kahit alam namin talaga na minsan sumusobra sya sa 1000 na salita )

  5. Huwag pong kalimutan na lagyan ng tag na tagalogserye ang inyong akda. Maari nyo rin po isama ang tagalogtrail kung inyong nais.

  6. Kung maari ay ilagay din po ang link ng naunang akda sa inyong post.

  7. Maari pong kumuha ng sub kung sakali man na hindi magagawa ang akda. Ang sub ay maaring maging import basta hindi kasali sa patimpalak na ito.

  8. Pinaka-importanteng bahagi ay mapanatili ang emosyon ng akdang nabanggit. Bagama't may kaniya-kaniyang estilo ang mga kasali sa pagsulat mas malaki ang puntos ng maipapakita na parang isa lamang ang may akda nito.

Sa pagtatapos ng #tagalogserye ngayong Linggo pagka-anunsyo ng napiling grupo ay mangyari lang po na mamili ng ating tatanghaling @Olodi-ng-Linggo

Ang magiging @Olodi ng Linggo ay makakatanggap

  • titulo dito sa server
  • tumataginting na 0.5SBD
  • Pagkakataong mamili ng kaniyang kateam mate.

Ngayong linggo mas matinding labanan ang magaganap dahil magkakaroon nadin ng daily winner sa patimpalak na dugsungan.

Ang magiging daily winner ay makakatanggap ng 0.30SBD :smiley:

Paraan ng pagpili ng magiging daily winner?

Titingin kami sa mga bituin. kaya dapat 11:00PM palang ay naipasa na ang likha para mapabilang sa round. Yung daily round lang na may SBD pero tuloy parin ang kwento kahit malate ang pasa mga alas dose ng sumunod na araw.

Unang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@twotripleowLunes
@chinitacharmerMartes
@cheche016Miyerkules
@jemzemHuwebes
@johnpdByernes

Ikalawang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@itsmejayveeLunes
@romeskieMartes
@jamesanity06Miyerkules
@julie26Huwebes
@tpkidkaiByernes

Ano ang mangyayari matapos maisulat ang lahat ng mga bahagi?

Ang magwawaging akda ay itatampok ng @tagalogtrail at magagatimpalaan ang pangkat na sumulat ng 1 SBD na sya namang paghahatian ng lahat ng nakisaling miyembro. At bukod sa lahat, makakamit po ng mananalong grupo ang dangal at papuri galing sa sang-katropahan.

Sa mga kalahok ngayong linggo, nawa’y maging paraan ang #tagalogserye upang mas magkakilala ang mga kapwa manunulat ng wikang Filipino. Nawa’y mas mapukaw din ang inyong pagka-malikhain sa kolaborasyong ito.

Maari pong gamitin ng mga kalahok ang imahe sa taas sa inyong mga post.

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Sort:  

Maraming maraming salamat Toto at JunJun.

Congrats sa unang Pangkat.

Maraming salamat! Mabuhay ang unang pangkat! Hahaha 😍

Galing nga mga kalahok .👍..

congrats sa unang pangkat. may mga tatapusin lang ako. babalik din po ako hehe. basa basa muna ako now

Sige lang beyond ingat ka palagi! Susulat ka.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 63182.56
ETH 3083.10
USDT 1.00
SBD 3.83