SINO NGA BA?

in #photography6 years ago

32767692_1945396125499985_3068673082664157184_n.jpg

Sino nga ba ako para sa'yo?
Ni hindi mo naman ako kaano-ano
O kaya'y kakilala sa kanto
Pero bakit ganito?

Sino nga ba ako para sa'yo?
Isang babae lang naman akong umaasa sa'yo
Na balang araw ay sana mahalin mo
Kahit hindi ako ang iyong gusto

Sino nga ba ako para sa'yo?
Ang hirap na ng pakiramdam na ito
Hindi ko na alam kung saan ako lulugar dito
Mahirap, pero sige para sa'yo

Sino nga ba ako para sa'yo?
Ako nga pala ang iyong multo
Laging nasa tabi mo
At umaasa na balang araw ay mapansin mo

Sino nga ba ako para sa'yo?
Paulit-ulit na tinatanong sa isip ko
May lugar ba ako dyan sa puso mo?
O sadyang pinapaasa mo lang ako?

Sino nga ba ako para sa'yo?
Sino?
Sabihin mo.
Nang hindi na ako patuloy na magpakatanga dito.

Sort:  

galing 👏🏻

Thank you, ate! 💕

Nice hugot hehe.

haha, salamat po

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 66167.71
ETH 3014.78
USDT 1.00
SBD 3.73