Maruming Marangal(taong nangangalakal)

in #pilipinas6 years ago

images (7).jpg
pinagkuhanan ng litrato


Mapagpalang araw mga kasteemyans at aking mga kababayan! Narito po ang simpleng tula na aking katha, at sanay magustuhan ng madla at sa aking mga masugid na tagasubaybay. Ito ay aking nagawa habang ako ako ay naglalakad pagpasok kangina sa trabaho at ako napahanga sa mga taong ito. Narito na po ang aking munting handog na tula.😊

Maruming marangal

Katha ni: @blessedsteemer🙏


Sa aking paglalakad sa daan,
Aking napansin babaeng marungis ang kasuotan.
Siya ay aking nasilayan kumakalkal sa basurahan,
Naghahanap ng plastik, bote,lata at iba pa para mapakinabangan
.


Sa aking nasaksihan, nagtatalo ang puso ko at isipan,
Sila ba dapat ay kahabagan? O dapat hangaan?
O dapat bang silang sisihin sa kanilang tinatamasang kahirapan?
O dili kaya'y ang gobyerno natin, bakit sila napabayaan
.


Sa aking paglakad papalayo,
May mga bagay akong napagtanto.
Ako ay humanga sa mga taong katulad nito,
Sapagkat sila ay gumagawa ng mabuti,sa kabila ng kanilang kalabaryo
.


Maruming hanapbuhay sa tingin ng mga tao,
Pero malinis at marangal naman ito.
Mabuti pa pala ang mga taong ganito,
Kaysa naman sa mga taong nagpapakasasa sa kaban ng gobyerno
.


Dugo pawis at sakripisyo,
Makakain lang sa isang araw ng tatlo.
Sa buhay nila napansin ko, masaya sila at kuntento,
Dahil panatag ang loob nila at walang inaagrabyado
.


Maraming salamat sa pagbasa ng aking munting tula at sana po ay nagustuhan nyo ang aking akda. 😊


Ang inyong lingkod;
@blessedsteemer
🙏


received_1948987111801248.png

DQmSLek3q4CXzLfHoWaY1px4et3ESobadxfM3upJjVEbcPW.gif

DQmSvuobuW9wzxwKu37YMREHUqsQRvEJ9nNVvwVQWnhZxYA_1680x8400.jpg

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful. He run a full public RPC 256 GB node as well to balance the steem ecosystem on "wss://steemd.steemgigs.org"
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT

DQmUespkYTcA8pRPaJuR1deHVi91Mv3MFjr1Ukbvwwdwmg9.gif

You can join at Steem school @discord channel;https://discord.gg/XN8Kw4

Do support also @steemph ; @gratefulvibes and @steemdunk for the better steemit community!😊

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63898.89
ETH 3129.16
USDT 1.00
SBD 3.90