SA BAWAT PAGSUBOK NA DARATING

in #pilipinas6 years ago

BlogPostImage
pinagkunan ng imahe


Lahat tayo'y nakakaranas ng pagsubok sa ating buhay
Bahagi na ng ating pang araw-araw na pamumuhay
Ang iba sa tingin at akala nila ay maliit na bagay
Pero sa iba hahantong at nanaisin pang magpakamatay.

May mga pagsubok para tayo ay subukan
Dalawang bagay ang ating kasagutan
Kung ikaw ay bibigay sa iyong suliranin
O di kaya'y ang buhay mo'y mas lalo kang patatagin.

Mga pagsubok ay di natin maiiwasan
Nasa tao nalang kung paano lulutasin at lunasan
Kung sapamamagitan ng magandang paraan
O di kaya'y hahantong sa hindi kanais-nais na pamamaraan.

Pero kung ito'y nanaisin lang natin
Ano mang bigat na dala ng ating suliranin
Wag kang susuko ano mang pagsubok at pasanin
Darating ang araw ay malalampasan din

Sa buhay natin marami talagang pagsubok na darating
Minsan ay para tayo'y subukan hindi para tayo ay pahirapan
Ang mahalaga ay hindi tayo marunong sumuko at tuloy ang laban
Kapit lang sa ating Panginoon 'di niya tayo iiwan at pababayaan

Maraming salamat, hanggang sa muli.


Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in " #steemgigs" at the first search box.

(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)

Ilocano ak, Proud nak.

@jhunbaniqued)

Sort:  

Ang pagsubok ay hudyat ng katatagan kung ito'y haharaping tunay at sabay dasal sa Diyos na siyang nakaaalam ng lahat!

Amen sir. Maraming salamat.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62937.86
ETH 3092.40
USDT 1.00
SBD 3.87