Paglalakbay sa Dako Pa Ron: Ang Pag-uwi Ko Sa Lungsod ng Heneral Santos

in #pilipinas6 years ago (edited)

sydney-hotel1.jpg

Kuha mula sa itaas: Lungsod ng Heneral Santos

Pinagkunan

Matagal tagal na rin akong naglalakbay at kung saan-saang panig na ako ng Pilipinas nakarating. Nasaksihan ko ang itinatagong ganda ng Cebu, ang magagandang lugar sa bayan ng Bulacan, Leyte, Pangasinan, Sarangani at maging sa dako pa roong Bulgaria at marami pang iba. Tama nga ang bansag nila sa amin na kami ay mga munting Dora. We are the explorers na handang maglakbay sa ngalan ng pagkain, char hahaha.

Pero sabi nga nila sa Ingles, "There's no place like home." at talagang ibang-iba pag kasama mo ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Kaya naman masasabi kong sa hinaba-haba man ng paglalakbay, sa bahay pa rin masarap tumambay Nyahaha. Kung gusto niyo, samahan niyo ko sa aming munting lungsod, ang dakbayan sa Heneral Santos o mas kilala bilang General Santos (GenSan). Tara na't libutin ang lungsod na sentro ng komersiyo sa Rehiyon XII.

images (15).jpg

Pinagkunan

Ipinagdiriwang sa aming lungsod ang Kalilangan Festival tuwing Pebrero bilang pagkilala sa mga unang settlers ng aming siyudad.

images (16).jpg

Pinagkunan

Kilala rin ang General Santos bilang "Tuna Capital of the Philippines" kaya tuwing Setyembre ay ipinagdiriwang ang Tuna Festival na kung saan isa sa mga highlights nito ay ang street dancing competition at sugba sa kadalanan.

images (17).jpg

Pinagkunan
Ito ang Plaza Heneral Santos, dito ako madalas sumasakay ng jeep, multicab o tricycle pag-umuwi na ko sa amin galing sa gala. 😝

🎵Ako ay nagbalik
At muli kang nasilayan....🎶

934082_1537274883249781_2056913985433324586_n.jpg

Kita nyo naman ang suporta mga bes. Pang-isang barangay.😜

Ako'y sobrang nagagalak nang makita ang aking pamilya dahil nga M.I.A. ang lola niyo. Kung saan-saan na ako inabot ng gabi kasama ang mga ka-Dora ko at alam kong egzoiited na rin silang makita ako. Oh my, miss ko na silang lahat buti na lang pala ag pumayag si @shikika na magsipag-uwian muna kami hehehe...😍😍

26239756_167607737346046_343400988970473424_n.jpg

May pa piging sila kunyari para sa akin Hahaha. Homecoming nga kasi 😜😜

Hanggang dito na lang at ako'y magpapahinga muna para sa mga susunod na namang ekspedisyon. At inyong pakatatandaan na isang tawag niyo lang sa akin at asahan niyong sasamahan ko muli kayong maglakbay patungo sa dako paroon. 😁 Magdala lang kayo ng maraming foods at siguraduhin niyo ang isang dram na FRIES 😍😋🍟🍟🍟🍟



I can do all things through Christ who strengthens me
-Philippians 4:13-

U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif

20180404_000425_0001.png


Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

Hahahaha. Sis @jennybeans nakakatuwa naman papiging sa iyong pag uwi. Ang sarap ng litson. Penge kami. Maglakbay agad kami dyan. Hahaha
Buti naman di ka pinagalitan sa inyo. Hahaha

Buti nga sis di ako pinagalitan hahahaha.... 😀
Sige punta kayo rito tapos videoke tayo...🎶🎶🎤
Ang ganda ganda ng boses mo sis 😍😍

Tawagin ko ka #steemitdora para sabay sabay kaming magpunta. Baka mamaya kami pagalitan mga magulang mo. Hahaha
Hahaha. Hindi ko ata boses un narinig mo kagabi eh. Hahaha

Hoy boses mo yun sis... Sumakay ka pa nga ng car sabi mo.... Hahahaha galiung ka ata sa gala nun hehehe 😂😂 Iparinig mo na yang gintong boses mo sis, baka dahil jan makakamit n natin ang world peace 🙌🙌😀

Wahaha. Wala akong car sis @jennybeans. Sa ulat lang ni @twotripleow meron ako car. Wahaha
Baka mag iyakan lahat kung marinig boses ko. Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.13
JST 0.033
BTC 63133.02
ETH 3043.69
USDT 1.00
SBD 3.63