Gandang Di nyo inaakala ..

in #pilipinas6 years ago (edited)

Hindi ko alam kung bakit yan ang gusto kong gawing title ng aking kwento ngayon . “ GANDANG DI NYO INAKALA” ... akala ng iba kase puro pag papaganda lang ang kaya kong gawin dahil nakikita nila ako kapag nalabas ako ng bahay e pusturang pustura na akala mo ay wala pang anak... Bakit nga ba hindi di ba..

6291AAD8-F6E4-4F10-8C12-63CE31FAC967.jpeg

Mas gusto ko talagang nag aayos ako kapag aalis lang ako ng bahay pero kapag nakita nyo ako sa loob mismo ng aking tahanan sa araw araw ay eto talaga ang itsura ko ... hindi porket maayos nyo ako nakikita kapag nasa labas ako ay hindi ko na kayang maging simple lang sa loob ng aking tahanan ☺️..
Marami na din sakin nakapag sabe na ibang iba talaga ako kapag nasa labas ng bahay kesa sa loob bakit? dahil ako ay naka make up at naka ayos manamit 😃 ganun talaga kase kapag nasa bahay lang ako bakit pa ako mag aayos diba mas okay kung simple lang taong bahay lang ang kasuotan atska paano ako makakapag ayos kung maglilinis lang naman ako ng buong bahay hindi ba 😅...

ganito ko sisimulan ang umaga ko bilang isang Ina ng aking mga anak na si Jhayz (5yrs.old) at Katelyn (10 yrs.old)
4C19DC5E-16FC-4C24-8A30-F77155F0F2E9.jpeg

dahil bakasyon naman ng mga bata hinahayaan ko sila na matulog ng mahabang oras kase kapag may school na ay kailangan na nila magising ng maaga ,kaya ayan tanghalian na agad pag bangon nila magkapatid naka hain na saknila ang masarap na luto kong ulam para saknila...

21BAFBEC-62EB-45BC-A7FC-17CF16736789.jpeg

Syempre pag tapos namin magsipagkainan ay patuloy ang gawain ko mag hugas ng pinagkainan namin mag iina...

60E88D05-5989-485E-8525-865079CE3827.jpeg

Pag sasampay ng mga nilabahan kong mga damit namin mag iina ,hindi naman ako araw araw mag laba pero kapag alam kong matatambakan na kame ng labahin ay iniisa isa ko na itong kusutin kase ngayon ay wala pa kaming washing machine kaya kusot lang at sampay lage. Sanay ako mag laba pero karamihan ng nakakahawak ng aking kamay laging sinasabe na parang hindi naman ako nag lalaba ... hindi ko din alam kung bakit simple lang nmn ang pag lalaba ,kailangan ba kapag nag lalaba ay magaspang ang kamay? madami naman paraan para maging malambot ang kamay natin isa na ang Lotion kahit anung lotion ay pwedeng gamitin para ma moisturize ang ating balat ☺️

F985FD39-47C9-4FEB-81CA-E217FD4ACCB6.jpeg

87767829-8079-4BB1-8268-4C29AE042376.jpeg

Paglilinis ng aming munting tahanan ang aking gawain lagi dito kaya sanay na ang aking mga anak na kapag ako ay may ginagawa ayoko talaga maiistorbo ako 😅...

at kapag akoy tapos na saking gawain sila naman ang aking iintindihin ..

829216F3-CB8D-427B-A596-E125E17D990D.jpeg

Si Jhayz ay 5 taong gulang palang kaya ako pa din ang nag aasikaso saknyang pagligo hindi nya pa kaya mag isa...Si katelyn nmn ay marunong na maligo mag isa ...

pagkatapos ko syang bihisan ay mag lalaro kame o hindi naman ay mag aaral kame.. kailangan ko pa din kase syang tutukan sa pag susulat kaya yan lage namin ginagawa

A12AD03D-F2E9-4673-89AB-D0E3FBD3A3DB.jpeg

Oh hindi ba alam kong madaming nagugulat sa aking itsura kapag hindi na kaayos at pustura.. kaya ako ang babaing Gandang di nyo inakala kapag akoy iyong nakita 😅😊.

Maraming salamat sa pag babasa ng aking munting kwento wala man itong aral na makukuha sanay kahit papaano naipakita o naipakilala ko sainyo ang tunay na ako salamat ng marami sa pag babasa☺️☺️ at kay @michaelcabiles na walang sawang sumosuporta sa akin at laging nag papayo.

Bigyan din po natin ng suporta ang grupo na buong pusong tumulong sakin na magsulat at mai share ang kwento ko dito sa Steemit , Yun ay walang iba kundi si @michaelcabiles at ang grupo namin na @sawasdeethailand . Bigyan din po natin ng suporta ang ibang miyembro nito sila @rigaronib , @bobiecayao , @wagun001 , @thidaratapple , @iyanpol12 , @wondersofnature at ang kanyang @resteemvote , @fieon at @hannanuh .

At wag po natin kalimutan na iboto si @surpassinggoogle bilang isang witness na ang kanyang pangalan na ginagamit para maiboto
ay “ steemgigs” .

Maraming Salamat Po Sa Inyong Lahat.

Sort:  

Hala may bold star haha! Kelangan nating talaga na bigyan halaga ang ating sarili. Wag pabayaan ang sarili. Lagay mo na tag @tagalogtrail para makilala mo si Toto :D

ay cge cge ilalagay ko 😊 sana mapansin ang papansin kong mukha dito hahaha 😂😂

Pansinin naman talaga e kahit di papansin :D
San na kaya si toto napadpad? Busy siguro sa contest nya.

Looking fantastic girl

thank you so much 😊

thank you so much 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64038.60
ETH 3148.89
USDT 1.00
SBD 3.97