"Salamat sa Modelo"

in #pilipinas6 years ago

Kapag sila'y nakikita, ako'y talagang napapa nganga.
Matangkad, maputi, parang manika ang mukha.
Iba-iba ang kulay ng mata, ilong na mataas, labi na pula.

Ako'y humarap sa salamin at napatanong ng...nasaan ang hustisya?
Bakit kabaliktaran ko ang kanilang mga hitsura?
Nasaan ako ng nagsabog ng ganong biyaya?
Tulog ba ako o tinamad lang ba?

Ngunit napag alaman ko sila'y kawawa.
Hindi sila nakakakain ng sapat at tama.
Dahil kailangan nila imentena kanilang pigura.

Nakita ko ang mga iba payat na payat na.
Mistulang buto't balat sobra.
May sakit na pala na ang tawag ay "Anorexia".

Ako'y napatingala at nagsabi Kay Bathala.
Salamat, sa 'king singkit na mata pero nakakakita.
Salamat, sa 'king ilong na nakadapa maluwag na nakakahinga.
Salamat, sa 'king malaking bunganga na magana.
Salamat, sa 'king mga braso na matataba.
Salamat, sa 'king maiigsing mga paa.

At pinakamahalaga sabi ng aking asawa.
Ayos lang kahit na ako'y maging dambuhala.
Sa akin ikaw pa rin pinakamaganda sa balat ng lupa.

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Thank you for your time in reading my poem. God bless us all, my fellow steemians. :-)

Please support @surpassinggoogle by voting him as witness and support steemgigs too


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

and let us also support @paradise-found by voting gratefulvibes.


(Photo credits: mam @sunnylife)

Thank you very much and God bless. :-)

I am Marilou Avecilla Choy, a.k.a @mallowfitt

Sort:  

ay na met cheesssyyyness bwhahahaha :-D

Huwat??cheesssssy spread parin yan?haha!
Sabi ko kanina Ang itim ko na nabilad sa dagat Sabi niya kahit maging negneg kapa Mahal parin Kita!waaahhhh! bolbolelekongs nak sa meten ma fren hmmmmm......😏😏😏

Mayat mayat malowfittttt talaga!! Lalanggamin kau nyan...

Ate @catietan Basta itim na langgam ok lang hehe..

Sweet namn hehehe

It's so ishweeet ba? baka epekto ng chukulit hehe

Agasem! Maputi at maganda ka din naman a at importante mahal na mahal ka ng asawa mo :D

Ay oo Kasi Wala siyang choice haha😝

Nagpintas metten!

Pintas Aya?haha tnx! Mam😘

ayyy ka swit nage njoy ako sa poem mo sis rock n roll

Pa swit parang bagets?hehe😊 tnx!!@sunnylife

ayuzzz! madam.. tweet! tweet! naman.

Tweet tweet!🐤🐥

Wow naman!!!witwew!!!ang ganda ng hugot!!!

Hugot pa moreeee!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68068.52
ETH 3873.47
USDT 1.00
SBD 3.64