tula

in #pilipinas6 years ago

IMG_20180809_071040-01.jpeg

"KARAGATAN"

Magandang nakakatakot.
Mangingisda'y pumapalaot.
Dito nila lahat kinukuha.
Para mabuhay ang pamilya.

Minsan ang dagat ay maamo.
Minsan din may dalang dilubyo.
Pero sila dito'y sumosugal.
Sabayan nalang ng pagdadasal.

May dalang lunas ang karagatan.
Nakakagaan 'pag ito'y pagmasdan.
Kahit anong dami ng problema.
Tinutolongan ka nitong mawala.

Dito ako nagiging maligaya.
Kahit nakatambay mag-isa.
Hindi ko na kailangan ng kasama.
Tanawin ang karagatan ay sapat na.

Lugar na ito ay ginawang sumbongan.
Kapag marami na akong pinapasan.
Nagiging malaya ang isipan.
Kaya ang buhay ay takot bitawan.

Maalon man o mapayapa.
May bagyo man o wala.
Alam kong ikaw lang ang maasahan.
Sa oras ng aming kagipitan.

Salamat sa pagbasa

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66772.03
ETH 3237.54
USDT 1.00
SBD 4.25