Masaya Pa ba?

in #pilipinas6 years ago

Masaya
Masaya naman tayong dalawa
Masaya
Masaya ang bawat araw na kasama ka
Masaya
Dahil sa wakas ako’y may makakasama na
Masaya
Masaya dahil sa wakas may TAYO na.

Ngunit hindi pala palaging masaya
Darating pala tayo sa puntong parehong pagod na
Ayaw na makasama ang isa’t-isa
Masikip na ang mundo para sa’ting dalawa.

Naalala mo pa ba?
Noong lagi tayong magkasama
Parang ayaw na bumitaw pa
Sapagkat ang bawat paghihiwalay ay sadyang nakakalungkot sinta.

Ngunit ngayon?
Parang matinding sagabal sa pang araw-araw na gawain ang makita ka
Parang ang bigat nang mga paa kapag magkikita tayong dalawa
Tila isang responsibilidad nalang
Masaya
Masaya ka pa ba?
Ako masaya kapag kasama kita
Pero kapag wala ka na
Tila ba nakakalimutan ko bigla na kani-kanina lang may ngiti sa mga labi.

Pasensiya na ha?
Nakakapagod na kasi
Nakakapagod umasa na may magbabago sating dalawa
Nakakapagod mag hintay sa tamang panahon na matagal nang naantala.

Sort:  

Itaguyod natin ang bandera ng mga Pilipina, wag pu tayong magpakamartir sis @rakitera. Kapag ayaw na, hiwalayan na. Kapag indi na masaya, tigilan na. Hayaan pu naten na mga lalake ang maghabol sa ganda naten.

Take a break. Pause. Be Still. Breathe. Have a kitkat! Xoxo

Read my profile if want me to resteem your post to over 72,500 followers. @a-0-0

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63381.65
ETH 3169.65
USDT 1.00
SBD 3.85