Pangarap

in #pilipinas6 years ago

Mga mamamayan ay nawalan
Perang sa kanila'y nakalaan
Inakalang nasa ating pamahalaan
Yun pala'y nasa bulsa ng katawan

Ipinangakong pagbabago
Nasaa't nagtatago
Mga matatamis na salitang nilako
Hay naku! Pangakong napako

Sabi nila tutulong ako
Itaga niyo ito sa bato
Diyos ko po! Nasaan na kayo?
Bakit kayo ay nagtatago?

Marami ang naghihirap
Samantalang ang iba ay nagpapasarap
Pag-asang ginhawa'y malasap
Tila isa na lamang pangarap.

ff.jpg

89.png

Coin Marketplace

STEEM 0.34
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66361.53
ETH 3253.14
USDT 1.00
SBD 4.43