Ang Lahat ay Lilipas Din :-)

Marahil ang karamihan sa inyo'y nagtataka
Kung bakit kadalasang mga tula ko'y may hugot
Malalim ang pinanggalingan aking mga akda
Sa kadahilanang ito, ako ay may patnugot

Sa tinagal-tagal ko na ring nabubuhay dito
Ay marami na rin akong mga napagdaanan
Mga masasaya at magagandang karanasan
Na ibig ko'y wala na sanang katapusan ito

Mayroon din namang malulungkot na kaganapan
Mga karanasang ayaw ko nang balik-balikan
Sapagkat ito'y mga masasakit na pasanin
Na itinakwil at sadyang mabigat sa damdamin

Mga ala-alang pilit kong kinakalimutan
Ito'y aking binubura sa puso at isipan
Upang walang matirang bahid ng kalungkutan
Hanggang sa tuluyan akong ganap na malaya

Ngunit ang lahat ng ito pala'y may katapusan
Masaya man o malungkot, lahat ay lilipas din
Nag-iiwan ng matinding aral sa ating buhay
Mga aral na mistulang mahiwagang palaisipan

Tama ka kaibigan, ang lahat ay lilipas din
Ang lahat ay magkakaroon din ng katapusan
At tayong lahat ay nabigyan ng pagkakataon
Sapat na dahilan upang patuloy na bumangon

Ako po si @sashley a.k.a. @shirleynpenalosa, nag-iiwan ng isang matinding bagsak ng isang napakamalamig na umaga sa inyong lahat. :-) Pagpalain nawa tayo ng Diyos. :-)❤️

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Have a blessed Summer month of April 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box


(Photo credits: mam @sunnylife)

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@bayanihan
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@cloh76.witness
@rcarter.witness
@reggaemuffin
@arcange

They need our support

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(logo created by @bloghound)

Sort:  

Sa aking paggising, ako'y namangha...
Sa matalinghagang mga linya...
ng aking kaibigan kanyang ibinuga..
Naway gabayan ka ngayon ng Poong may likha...
Magandang umaga, Shirley!

nagmamahal,
@bloghound
💗💗💗

galing mam.

sis go go go go tula pa more ang galing mo :-) <3

Nice poem Maam She :)

thank you sir june :-)

hahaha labasan na nga mga tula...

hugot latta madam.

for a change kano hahaha

Tama ang lahat ay may katapusan, at hindi lahat ng katapusan ay malungkot meron din namang masasaya rin.

At tayong lahat ay nabigyan ng pagkakataon
Sapat na dahilan upang patuloy na bumangon

Kung ito man ay buhay pag-ibig, isipin natin na mayroon itong naturong bagay para sa atin din.

maraming salamat po :-)

Laban lng sis hehehe

wen sis laban lang talaga heheheh

Good pose.But very sunny.

Thank you for dropping by :-)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 59110.01
ETH 2990.61
USDT 1.00
SBD 3.72