Ang Bilis Ng Araw- Parang Kailan Lang

in #pilipinas6 years ago (edited)

Kumusta kayo kabayan? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Kung ako naman ay ayos lang. Ang bilis ng araw parang kahapon lang. Kanina habang kami ay naglalakad para makasagap ng sariwang hangin, napansin ko na ang laki na pala ng anak ko, ilang taon na lang malalampasan na nya ako. Mabuti at hindi pa sya nahihiyang magpahalik, magpakayap, magpamasahe sa gabi bago matulog. Minsan naiisip ko saan kaya napunta ang mga araw, linggo, buwan at taon na iyon? Tsk..tsk..napapa iling na lang ako.

Masyado din akong maraming pinagkakaabalahan ngayon linggo, buhay sa labas ng Steemit. Kulang na lang tumambling ako eyahhh hahaha sa dami ng gawain sa bahay, umaga hanggang gabi. Aba,mag aalas dose ng gabi na pala. Anong nangyari at anong nagawa ko kaninang umaga? Parang wala lols. Hinatid namin si Rimbie sa paaralan, namalengke, nag ehersisyo ng kaunti, naglinis ng bahay, nagluto at pagkatapos naglinis uli. Nag check ng email, tumambay sa Steemit. Buhay nanay, araw-araw hindi madali.

Pero nagpapasalamat pa ako sa araw araw na biyaya ng Diyos. Ang buhay ang napaka bilis lang. Isang araw hindi mo mapapansin lola o lolo na pala tayo at uugod ukod waaaa. Mag Steemit pa kaya tayo pag dumating ang panahon na yon?

Kung nasaan ka man ngayon, sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Mabilis lang ang araw sana ay lagi kayong masaya kahit madami ang dumadaan na problema. Ingiti mo na lang o kaya Steemit mo na para mailabas yan. Sa bilis ng panahon, sana ay ma enjoy natin ang bawat araw na kasama ang ating mga mahal sa buhay, malayo o malapit man.

Mabuhay ka kabayan.

Keep Shining everyone.

Gratefulvibes Discord https://discord.gg/DnpSuVe
FlightGear Discord https://discord.gg/hdDwXeu
Steemitserye an d Steemidora full force https://discord.gg/w8XfQCj
Steemgigs Discord https://discord.gg/4UyAJgB

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!

Yours truly,
The village girl @sunnylife by the Steemian Ocean

Sort:  

ang bilis nga ng panahon pero hanggang ngayn ako'y di pa ein nakakapagpakasal hehe.. tumatanda na ako pero wala pa ring anak.

ay sir:) pakasal na sir darating din yan sa tamang panahon:)
d2 sir sa steemit baka may mapusuan kayo hihihi

Love the pictures.
Beach, sand, and the blue skies.

thanks so much Jo.
sending you some sunshine:)
Have a great day! xoxo

Ang bilis talaga @sunnylife. Kaya enjoy lang each day :)

salamat, kaya nga enjoy lang talaga:)
kelan ka dalaw d2? hihihi

Hahaha! If only I could, I'd be there already! In, 3-5 years pa siguro or more! :( Hahaha Philippines and Asia pa priority for travels!

keribels mo yan:) soon!

Yup fighting lang sa mga ibang luho at bayarin haha

Ganda at makabukuhan ng mga larawan. Bilis nga ng panahon, parang kailan lang... :)

salamat sis:)
kaya enjoy lang tlga.

Ang bilis talaga ng araw sissy. Kaya eenjoy na lang natin bawat araw. 😀 Para masaya ang bawat paglalakbay ng ating buhay. 😀💖😘

oo nga sis:):) gorables lang.
dumadami na den puting buhok ko hahaha
God bless sa lakbay mo bukas xoxo

Hahaha. Ako rin dumarami na. Wahaha.
Salamat sissy. Travel na ko ron. 😀

How I wish the post was subtitled I enjoyed the pictures though, I like the fact that Philippines are doing great on steemit and they are full of zeal and cooperation.

thanks a lot ma broda:)
you can use google translate hehe
(time flies, enjoy each day)

Tama ka sis..madali lang ang mga panahon ang lilipas hindi natin mamalayan.....marami nga akung tanong sa sarili ko 40years from now maka steemit pa kaya ako ,o buhay pa kaya ako sa taon na yan ...hahahahhahah..lol😁😁ganda sis..😁

oo buhay ka pa non cgurado buhay na buhay:)
bilis nga panahon, nasa luto pa naman edad ko kaya gorabels lang haha
salamat sis.

Saan ka mang panig ng mundo,hangad ko ang iyong tagumpay.
Magandang umaga, sis!
Xoxoxoxo

gandang umaga den sayo ganda:)
mabuhay ang mga nanay!
tagumpay mo ay tagumpay ko:) Mabuhayyyy!!
xoxo

Well I've been learning your language but the only one I still know is " mahal kita " which means I love you
😂 😂 😂

aww so sweet:)
you can use google translate:)
kumusta ka? How are you?
mahal din kita - i love you too:) hehehe

thanks for dropping by ma broda

Yea I know but I ain't got time should have learn enough

Hustling on steemit and out side steemit , I ain't got anyone to give me cash if I don't hustle

I just like your language and the people that speaks it

Ang bilis nga ng araw sis..Ang bilis din lumaki ng mga bata. Mamaya mga binata at dalaga na sila😍

yon nga sis kaya minsan nakakaluha na lumalaki na sila
ang dami ng ding alam mahirap paliwanagan, sakit sa bangz haha
Mabuhay ang mga nanay!!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64513.75
ETH 3146.11
USDT 1.00
SBD 3.95