Ibong Malaya - Musmos Na Kaisipan

in #pilipinas6 years ago

Ibon man ay may layang lumipad. Minsan naisip mo ba na sana bata ka na lang at hindi ka na nagka isip at lumaki? Mabuti pa ang mga bata, malaya wala halos iniisip na problema. Noong ako ay bata pa ang dalangin ko ay lumaki na ako at makatapos sa pag-aaral. At pag nakatapos na ako, ay makahanap ng trabaho para makatulong sa aking pamilya. Pag tinitingan ko ang aking anak na walang iniisip na alalahanin, walang inisiip na suliranin. Sa sobrang bilis ng panahon ngayon, ang mga bata ay gusto maging malaya at lumaki kaagad.

Ang buhay ng tao ay parang bola, minsan gumugulong ng walang katapusan, nahihilo, tumatalbog sa kanan at kaliwa. Minsan, nabubugbog, minsan nauubusan ng hangin at karaniwan ay umiikot ikot lang. Ang iba ay sinewerte at hindi naranasan ang paghihirap sa buhay, kung baga sabi nila "may gintong kutsara sa kanilang bibig." Ang iba naman ay kasya lang at ang iba naman ay hikahos o isang kahig isang tuka. Ang iba ang naghahanap ng katanungan, kung bakit sila lumabas sa mundong ibabaw. Hindi madali ang makibaka sa buhay, lakas ng loob at tiwala sa sarili ay kailangan, lalo na kung ang problema ay nagkasabay- sabay.

Huwag kang mag alala, paniwala ka na lahat iyon ay iyong malalampasan. Kanya-kanya man tayo ng buhay ang lahat ng tao ay may problema, mayaman man o mahirap. Ang ating mga suliranin ay hindi sa atin ibibigay kung hindi natin ito makakaya at malalampasan. Manalig lang, kumapit lang tayo at huwag bibigay. Kahit minsan gusto mo ng bumigay at sana naging bata ka na lang na walang inisiip na alalaanin sa buhay.

Laban lang kaibigan, hindi ka nag-iisa sa iyong mga problema. Lahat ay kaya nating malampasan. Diyos ang ating sandigan. Manalig lang tayo at tayo ay kanyang gagabayan.

Keep shining everyone.

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife by the Steemian Ocean

Sort:  

Yes Ms. @sunnylife .. Very true , Hindi tayo pababayaan ni God sa kahit na anong problema. At walang problemang ibibigay na di natin kayang lagpasan. Thank you po sa napaka gandang post.

salamat den sis.
kapit lang at at tibay ng loob at makakaya nating lahat.

Thank you po. I follow ko po kayo ha Ms @sunnylife , new pa lang po ako sa steemit :)

welcome sis. sana nage enjoy ka sa iyong paglalakbay:)
dito kami tumatambay sana makarating ka:)
Gratefulvibes Discord https://discord.gg/DnpSuVe
FlightGear Discord https://discord.gg/hdDwXeu
Steemitserye an d Steemidora full force https://discord.gg/w8XfQCj
Steemgigs Discord https://discord.gg/4UyAJgB

Wow..tama ka sis...minsan nga kausap ko ang sarili ko minsan natanong ko ang sarili ko..bakit ganito ang buhay ko maraming problema..sana naging bata nlng ako..hanggang buhay..pero tama ka..lahat ng ito...ay my solution at hindi mawalan ng pag asa dahil my mahal na panginoon na siyang tumolong sa atin......hehhehehehhe😀😀

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61763.08
ETH 2899.43
USDT 1.00
SBD 3.49