Madayang Tadhana

in #pilipinas6 years ago

Sa panahon ngayon mapapaisip ka na lang bigla na bakit parang andaya ng mundo? Kahit hindi naman konektado ang mundo sa problema mo? Bakit ang daya? Bakit laging pag-ibig ang problema? Gaya mo, umiiyak sa kanya. Sa taong akala mo'y kaya kang mahalin pero hindi naman pala. Bakit hindi pwede ang "tayo"? Bakit hindi pwedeng ako na lang? Bakit hindi pwedeng wag na lang siya?

Bakit hindi pwede ang ikaw at ako? Ako na lang ang piliin mo kasi sa una palang ako lang naman ang nagmamahal at nagpapakatanga sayo kahit ayaw mo sa isang katulad ko. Ang dami ng bakit diba? Ang corny ba? Ganun talaga siguro kapag nagmamahal ka. Magmamahal parin kahit nagmumukha ng tanga. Nakakatawang isipin na gusto kong sabihing kaya ko ng mag move on kahit wala ka. Ang tanong, ba't ako mag momove on, naging tayo ba?

Mahal kita kaso mahal mo siya. Ang daya diba? Ganun talaga. Ganun kapag hindi ka mahalaga sa kanya. Kaya gumising ka! Awat na. Tama na. Dahil kung kayo talaga ang para sa isa't-isa gagawa't gagawa si Tadhana ng paraan para magkita kayo.


photo is mine:

PS: Hugot ko lamang po ito sa pinag dadaanan ng aking pamangkin. Walang ibang ibig sabihin. hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64344.02
ETH 3142.36
USDT 1.00
SBD 4.01