"Kahirapan"

in #poem6 years ago

"Kahirapan"

Orihinal na tula ni @jmaeunabs1


source

Laganap na ang kahirapan
Tila isa itong matinding sakit na hindi nawawala sa lipunan
Pilit inaalis ngunit paulit-ulit na bumabalik
Kahirapan, bakit hindi mo kami lubayan?

Mga bata sa kalsada na humihingi ng kaunting barya
Kapag binigyan mo ng isang piso, ikaw ay pagagalitan pa
Bata, asan nga ba ang iyong mga magulang?
Bakit hindi ka man lang tinuruang maging mapagpasalamat?

Kahirapan, hindi lamang ito nakikita sa tabi ng daan
Bakat na bakat rin ito sa ating mga sarili
Gusto nating guminhawa ngunit walang ginawa kundi umasa sa iba
Kung kumayod lang sana, makakatikim ba ng konting ginhawa?

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62656.62
ETH 2941.90
USDT 1.00
SBD 3.59