"Kalusugan"

in #poem6 years ago

"Kalusugan"

Orihinal na tula ni @jmaeunabs1


source

Ang mabuting kalusugan ang isa sa ating pinakamagandang kayamanan
Hindi makakaila, ang kalusugan ay isang pinakamatatag na ugat
na pinagkukunan natin ng lakas
Walang duda, napakahalag din ng pera
Ngunit ang pagkaroon ng mabuting kalusugan
ang siyang nabibigay sa atin ng wagas na kaligayahan

Maaari mong makuha ang lahat ng kayamanan sa mundo
Ngunit pano mo ito mapakikinabangan kung ang kalusugan mo’y wala naman?
Maaari mong mabili lahat ng napakasarap na pagkain
Ngunit paano mo ito malalasap kung halos lahat ay ipinagbabawal na sa’yo?

Ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan
Ay ugat ng kaligayahan ng sinuman
Kaya’t palagi itong pahalagahan
At siguruhin na ang buhay mo ay puno ng kaligayahan
Bukod sa pagiging mahaba

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 63096.57
ETH 2954.05
USDT 1.00
SBD 3.55