Mangingibang Bansa

in #poem6 years ago

"Mangingibang Bansa"

Orihinal na tula ni @jmaeunabs1


source

Ngayong ako’y tatahak na sa landas na pinili ko
Dala-dala ko ang mga masasayang alaala pag-alis ko
Ilang taon lang naman akong makikipagsapalaran
Sa banyagang lugar na hindi ko pa nagigisnan

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin
Ang alam ko, magtratrabaho ako nang mabuti
Nang ang aking mga mahal sa buhay ay mapabuti
Ang kalagayan nila ang inaalala ko
Higit man sa mga pansariling hinahangad ng isang dukhang katulad ko

*“Paalam”, yan na lamang ang aking masasambit
Mga luhang pumapatak ang aking bitbit
Ganito pala kalumbay ang mawalay
Sa mga kapamilya’t kaibigan at sa aking pinakamamahal sa buhay *

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.13
JST 0.031
BTC 61372.29
ETH 2888.95
USDT 1.00
SBD 3.62