"Tiyaga"

in #poem6 years ago

"Tiyaga"

Orihinal na tula ni @jmaeunabs1


source

Sino ang nagsasabi na hindi ko ito magagawa?
Walang imposible sa mundong ito
Lahat posible lalo na’t ito’y pinagsisikapan
At tiyaga ang isa sa pinaka importanteng gawin upang matupad ang mga pangarap

Ang taong sumusuko dahil lamang sa konting kirot ay nakakaawa
Tingnan mo ang isang ito na nagpapatuloy ng may determinasyon
Ngunit nasa tao pa rin ang desisyon sa kung ano ang makakapabuti sa kanya
Kaya’t mag tiyaga ka lang, lahat ng ito ay malalampasan din

Ika nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga
Kung magpupursigi ka lang, sulit ang lahat ng iyong paghihirap
Magagandang bagay ang darating sa’yo
Lalo na kung ang lahat ng ito’y pinaghihirapana mo

Sort:  

Tama! Mag tyaga lang tayo at pasasaan pa at giginhawa din. Malalagpasan ang bawat balakid.

Ang imposible ay isa lamang salita, minsan ginagawang dahilan nalang para hindi subukan ang isang bagay

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62875.98
ETH 2948.16
USDT 1.00
SBD 3.55