"Wala Ka Na"

in #poem6 years ago

"Wala Ka Na"

Orihinal na tula ni @jmaeunabs1


source

Isang araw na naman ang nagdaan
Ngunit ang isipan ko ay tila nakagapos pa rin sa nakaraan
Mga mapapait na alaala ang pilit na kalimutan
Ang lahat ng pag-iisip na ito
Ay tila dahilan sa pagkakasira ng ulo ko
Aminado akong hindi na siya babalik
Ngunit ang puso ko’y umaasa pa rin
Na sana, Makita siyang muli

Habang ang mga peklat ay bumabakat sa aking puso
Nahihirapan akong mabuhay ng matiwasay
Parang lahat ng ginagawa ko ay walang saysay
Ano ba naman ang halaga ng lahat nito
Kung sa piling ko’y wala ka na

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62780.02
ETH 2945.54
USDT 1.00
SBD 3.62