Hugot na Tula/Poem for Filipinos #12: UMIBIG KA...

in #poetry6 years ago

Umibig ka
Tulad ng hangin
Tulad ng dagat
Tulad ng ulap
Umibig ka't kumutan ang pusong hubad at sawi
Umibig ka't hambalusin ang marurupok na kalasag ng pagkamuhi
Umibig ka't hawiin ang nararamdamang hapdi

Umibig ka
Tulad ng sanggol na di nakakakilala ng pag-ibig
Tulad ng 'di mapigilang pagsadya at paglipas ng gabi
Tulad ng mga langgam na lunod sa ligaya ng tamis
Umibig ka't mabuhay ng malaya
Umibig ka ng malaya

Umibig ka
Sa kabila ng bagyo
Sa gitna ng dilim
Sa isang sulok ng mapanghusgang mundo
Umibig ka't pakawalan ang mga kinulong na salita
Haplusin ang mga damdaming nasalanta
Umibig ka at mabuhay
Umibig ka upang mabuhay

Umibig ka
Tulad ng tula
Tulad ng mga salita
Tulad ng pag-agos ng luha
Walang kinakailangang sukat at tugma
May saysay sa diwa at dila
Walang kasinungalang ipinapakita

Umibig ka pagkatapos mong umibig
Magsimula ng bago at magpatuloy
Matutong bumitiw
Sa nakaraan, huwag kakapit
Punuin ang ngayon ng pag-asa
Pagpapatawad
Pagmamahal

Umibig ka.
Sa lipunang pinangungunahan ng mga diyos-diyosan
Magkamali man at masaktan,
Ipagdiwang mong umibig ka
Kahit pa minsan lang.

Sort:  

Wow I like your photos, successful for you

thank you my friend :-)

Very nice..

thanks as always my friend humaidi :-D

You are welcome my friend..

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by annesaya from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

This post has received a 0.26 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Ate..can we sourced ur photos pls? thanks.

yes po. sure po. next time ma'am :-D

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 68156.12
ETH 3727.18
USDT 1.00
SBD 3.65