O, Aking Ina (Filipino Poetry)

in #poetry6 years ago

image
Photo is mine.


O aking ina, aking pinakamamahal.
Gusto ko magpasalamat sa lahat.
Ikaw man ay di perpekto.
Ginawa mo naman ang lahat
Para ipakita ang iyong pagmamahal.

Mula sa iyong pagpupuyat sa pag-aalaga.
Pagtatrabaho para may maipakain sa iyong pamilya.
Pagsisikap para kami ay maitaguyod.
Pag-aaruga para kami ay proteksyunan.
Pag-aalaga tuwing may sakit.

Ngayon, nag-iisa ka na lamang.
Dahil wala na aking mahal na ama.
Di mo pa rin kami iniiwan.
Mahal kong ina, manatili ka.
Sa aming buhay, ikaw ay nag-iisa.

Maibigay ko sana ang nais ng iyong puso.
Sa tulong ng Maykapal, maipakita ko rin.
Ang pagmamahal na iyong pinakita.
Pagsisikap, pag-aalaga, pag-aaruga.
Nawa'y aking maipamalas sa iyo, aking ina.

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64455.55
ETH 3147.84
USDT 1.00
SBD 3.94