Tala

in #poetry6 years ago

image

Image Source

Ang hirap mo namang abutin
Kahit anong pilit na ika’y sungkitin
‘Di ka pa rin naaangkin
Nitong uhaw kong damdamin

Sa gabi’y tanaw ka ng aking mga mata
Na kahit ang dilim ay ‘di alintana
Sa umaga’y laging hanap-hanap ka
Na kahit ang liwanag ay gumagabay pa

Nawa’y mahulog ka nalang mula sa kalangitan
At kumanlong na sa ‘king kandungan
Kung dumating man ang sandaling ‘yan
Tiyak na ‘di na kita pakakawalan

Sa ngayo’y ika’y mithi pa
Subalit ika’y dalangin na kay Dios Ama
Dahil kung alam mo lang aking sinta
Ika’y giliw kong tinitingala

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61763.08
ETH 2899.43
USDT 1.00
SBD 3.49