"Tunay na mapalad"- A filipino poetry

in #poetry6 years ago

lovers-2761551-960-720.png

Sa pagsapit ng umaga ay purong saya ang nadarama

Sa paglingon ay kitang kita ang maaliwalas mong ganda

Ang sarap sa pakiramdam kapag ikaw ang kasama

Parang wala na akong ibang mahihiling pa

Ramdam ko ang swerte sa iyo, aking sinta

Buhay na buhay ang araw pag andyan ka

Marami rami na rin ang ating napagdaanan

Sa panahon ng kahirapan man o kagipitan

Niminsan hindi mo ako iniwan o sinukuan

Dahil sa relasyong ito, palagi tayong sinusubukan

Tumagal tayo na marami tayong pinagtalunan

Wala saatin ang pinapairal ang pagmamataas

Kaya siguro tumibay itong pag ibig na sinimulan

Dahil niisa sa atin, wala itong balak wakasan

Tiniis natin pareho, wag lang tayong lumisan

Hanggang sa dulo, tayo parin ang magmamahalan

Dahil kung meron man talagang swerte ngayon

Tayo talaga ang tunay na mapalad sa ating relasyon


Thank you for your time steemians and have an awesome day

For more post and blogs follow me @dexter24

HAPPY STEEMING !!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68606.74
ETH 3912.43
USDT 1.00
SBD 3.64