Esperando a mi amor

in #poetry6 years ago

image.png

Isa, Dalawa, Tatlo..
Di pa ako tapos magbilang nawala ka na
Nawala ka ng para bang isang bula
Sinubukan kitang hanapin sa lugar na huli kitang nakita
Bawat sulok tinignan ko
nagbabakasakaling dun ka lang nagtatago

Lumipas ang mga segundo, minuto at oras
Pero wala parin akong makita kahit isang bakas
seryoso ba 'to? o pinaglalaruan mo lang ako?
"hintayin mo 'ko, babalik ako" sabi mo
Ako naman tong tanga,
umaasa na babalik ka nga


Nagdaan ang araw at ulan
Ako'y patuloy pa rin na lumalaban
sa larong sarili ko lang ang kalaban
hindi ko lubos maisip kung hanggang kailan
hanggang kailan maghihintay at aasa sayo


Sumapit ang isang gabi, hindi ako mapakali
Nalilito kung akoy lalaban pa, o susuko na
Napahinto ako saglit at napaisip
Ano pa bang pinaglalaban ko?
Simula't sapul ikaw naman ang unang nawala
Ikaw ang unang kumawala


Written by: @geeyang

Sort:  

Isa ka rin palang tanga sa pag ibig, gee 😁

May pinaghuhugutan jniel.. Hehehe

akala ko spanish ung poem..tagalog pala...

Maraming ganiyan, they call it "Ghosting". Nice poem right there @geeyang15. Glad to see you here!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.13
JST 0.033
BTC 63252.23
ETH 3035.50
USDT 1.00
SBD 3.73