"Ibang Mundo" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

Ang tulang ito ay hango sa kathang-isip lamang at orihinal na aking katha. Sana ay patuloy ang inyong paglahok sa #wordchallenge na naglalayong ipamalas ang mga orihinal na tula sa Steemit mapa English man o Tagalog :)

"Ibang Mundo"

Duguang nakahandusay si Neneng sa kanilang tahanan,
Gawi ng palo ng tatay niyang talo sa pustahan.
Nagmamakaawang hiling ang kanyang sambit,
Ako'y pakawalan na, ang sakit ay paulit-ulit.


Ngunit sa halip na ito'y ihinto ay lalong pinalakas,
Mga palo ay parito't paroon na puno ng lakas.
Dala ng laki ng halaga ng natalong salapi,
Sa sabungan na siya dun ay naging api.


"Ikaw ang malas!" ang malas ng mukha mo!
Kaya sa sugal kanina ako ay natalo.
Sana hindi ka nalang namin inampon!
Kung malas lang ang maihahatid mo sa aming relasyon!


Lalong umiyak si neneng at gumuho ang mundo,
Sa nalaman niya, "Ampong lang pala ako"?
Kaya pala ang lupit-lupit ng turing ninyo,
Puro lang pasakit sa dibdib ang dinanas ko.


Wag kayong mag-alala, bukas wala na ako dito,
Bukas madaling araw, wala na ang anino ko.
Salamat pa malaki ang utang na loob ko sa inyo,
Panahon na siguro para pumunta sa "Ibang mundo."


Maramig Salamat sa Pagbasa :)

Nawa'y inyo itong nagustuhan. Kung may komento kayo o mga puna, huwag mag-atubiling i ilagay ito sa koment box. Makakatulong ito sa aking pag-unlad. Aasahan ko yan :)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64400.33
ETH 3140.71
USDT 1.00
SBD 3.93