"Lipad" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Lipad"


Liparin mo ang iyong mga pangarap
Abutin mo umabot man ng alapaap
Ang tamis ng tagumpay ay napakasarap
Kapag alam mong galing ito sa hirap


"Lumipad" tulad ng mga ibong malaya
Dahil sa paglipad mo'y maraming pag-asa ang nakataya
Ninanais nilang ikaw ay magpunyagi
Sila'y magdiriwang kung ikaw ay magwawagi


Bantayog na pangarap mo'y ipagbunyi
Walang mawawala kung magbabakasali
Ibuhos mo ang lahat ng iyong makakaya
Dumulong sa Panginoon at manampalataya


Ika'y gagabayan sa pinakamatuwid na landas
Poprotektahan ka kahit gaano ka lakas ang hampas.
Ng alon o hangin o kung anupamang sakuna
Maniwala at dumulong ka lang sa kanya


Kaya "Lipad!" abutin mo hanggang sa abot ng makakaya
Liparin mo hanggang sa maabot mo ang mga tala
At ika'y kikinang at titingalain ng lahat
Mundo'y bukas na sa tagumpay at ito na ang hudyat


Na anihin ang tinanim mong pagpupursigi
At ipabatid sa mundo na ika'y nagwagi
Na ang tagumpay ay iyo nang natiris
Bunga ng paghihirap mo at paghihinagpis


Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)

Nawa'y ito ay iyong nagustuhan. Kung may opinyon sa naturang tula, huwag mag atubiling ikomento ito. Maraming salamat :)

Photocredit : Pixabay

Sort:  

wow...i like this picture

Galing Naman Ng Tula mo!

Posted using Partiko Android

kay gandang tula po boss @jassennessaj
ang linaw ng mensahe

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 70135.32
ETH 3789.12
USDT 1.00
SBD 3.77