"Malaya" : An Original Filipino Poetry
"Malaya"
Na hindi kana magdamdam
Na wala kanang iisipin
At wala ng iintindihin
Malaya na rin sa wakas
Isip at puso'y wala ng bakas
Ng pag-aalala at pagkabalisa
Tapos na, at ako'y malaya na!
Ilang buwan din kulang sa tulog
Isip at katawan ay bugbog
Pigang-piga na ang laman
Kulang-kulang ang kain sa kalamnan
Salamat, oh aking Panginoon
Aking panalangin ay iyong tinugon
Na makaya ang lahat ng pagsubok
Sa pag-aaral kahit naging marupok.
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq