"Pagtatampo" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

"Pagtatampo


Photocredit : Pixabay


Bakit ba tayo nagkakaganito
Tayo'y unti-unting lumalabo.
Mga pagtatalo'y pangbata lang
Ngunit tayo'y parang pumapaslang.

Akala ko ba ako yung nagtatampo
Dahil sa sinabi mong di ko ginusto.
Hindi mo man lang iyon nadama
Kahit isang kiting wala kang pinadama.


Ang ending pa, ikaw pa yung nagalit
Ito'y sumobra pa at ako ay pinagpalit.
Napunta pa sa kaibigan kong matalik
Wa la ka na bang planong bumalik?.


Pag-usapan natin ito, oh aking sinta
Ito'y maliit lamang para sa'ting dalawa.
Pinagsamahan nati'y nalimot mo naba?
Mga pagsubok ba sa iyo'y wala lang ba?.


Patawad, kung napasobraan ang pagtatampo
Ang tanging gusto ko lang ay ang lambing mo.
Makita ko lang ang mapupungay mong mata
Okay na ako, tayo'y bati na aking sinta.


Sana naman ay magbati na tayo
Alisin na natin ang pagtatampo.
At sulitin natin ang mga pagkakataon
Pagmamahala'y ating pagbigyan ng tuon.



Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64420.25
ETH 3150.23
USDT 1.00
SBD 3.99