"Pansamantalang lilisan" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Pansamantalang lilisan"


Ang araw-araw ay magiging minsan
Ako muna ay pansamantalang lilisan
Wala ka namang nagawang kasalanan
Pero kailangan muna kitang iwan

Walang magbabago sa pagmamahal
Sana'y maghintay ka sa akin mahal
Hahanapin muna ang sarili
Tandaan na pag-ibig ay lagi


Sa pag-alis,sa aking pagkawala
Mapagtanto sana ang halaga
Na lagi pag-ibig pinadama
Maisip mo ating mga alaala


Di ko gustong lumisan sa piling
Dahil ikaw sa Bathala ay hiniling
Ikaw ay matagal ng dalangin
Na hindi ko kayang sayangin


Sadyang mapagbiro ang tadhana
Kung kailan nandito ka na
Saka pa ako ay may iniinda
Ikaw lang gusto walang ng iba


Maintindahan mo sana ako
Babalik ako at ulit tayo'y bubuo
Ng mga pangarap sa mundong ito
Sa ngayon ako muna'y lilisan sa iyo



Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

My Filipino Poetries :
Takot Akong Mawala KaUnti-unting NahuhulogMga Nakaw na Sandali
Hinahanap-Hanap KitaPinaasa Mo Lang PalaPagtatampo
Patawad ang HilingSalamat PanginoonPag-ibig na Walang Hanggan
NakakabaliwMahal Parin KitaNakakapagtaka
Tinamaan Nga AkoMinamahal KitaPuso'y Ikaw ang Pinili
Happy Birthday Mama KoIkaw na nga TalagaHahantong Sa Simbahan
Binibining KaygandaBat Biglang Napagod?Tadhana'y Pinagkait
O aking munting PrinsesaIneng, saan napunta ang iyong Dangal?Malaya
SandalanMahal Kita Kahit Magkaibigan lang TayoOh! Kaibigan ko
Oh Thesis KoUna't Huling Iibigin koNasaan ang Hustisya
Nanggigigil Ako SayoSa Iyong Paglisan

and Here are my English Poetries

My English Poetries :
Dear FriendIt Should have been MeMy Love
LifeSecret LoveWarriors Affection
Everything was PerfectAlways Be FriendsThis Can't Be True
YouEverytime I look at youWhen I look in your Eyes
Superman Gets TiredHow Real is the WorldLanguage
Lovers from Afar

Hanggang sa Muli

Photocredits : 1 2

Sort:  

Amazing and very interessing post thank you for sharing
resteemed and shared in the steemit

The weather is always like this here. ;)

Take a Tip! and have a good day. :

Love the layout man. Keep it up!

Upvoted.

Napakagandang tula nanaman ang aking nabasa kabayan..good job

The poem is really interesting... And the paintings is more interesting...

Magandang tula ang aming nabasa kabayan.
Nindut nga storya ang imung gisuwat....

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jassennessaj being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64742.01
ETH 3172.49
USDT 1.00
SBD 4.10