Filipino Word Poetry : Ang Araw ng Kalayaan (An Independence Day Special)

in #poetry6 years ago (edited)


images (2).jpeg
Pinanggalingan ng larawan

Ang Araw ng Kalayaan


Isang araw na napakahalaga
Na dapat nating maaalala
Kung saan ang araw ng ating pagkalaya
Sa kamay ng mga kastila

Isang araw kung saan lahat ay natapos
Ang pang-aalipin sa atin ng lubos
Ang pagsakop sa buong Pilipinas
At mga pang-aapi sa atin noon na ating dinanas

Natapos yan lahat
Sa isang madugong pagtatapat
Ng ating mga magigiting na ninuno
Laban sa mga dayuhang sumakop sa atin at namuno

Isang daan at dalawampu't taon
Na natin itong ipinagdiwang ngayon
At una itong idiniklara ng pinakabatang pilipino
Na naging presidente na si Emilio Aguinaldo

Ang araw ng kalayaan
Ay mahalaga na malaman ang kasaysayan
Lalo na sa mga kabataan
Na tila di nila ito nalalman

Ang araw ng kalayaan ay hindi ipinagdiwang ng mga pilipino
Na dahil ito'y nakatatak sa kalendaryo
Kundi ipinagdiwang natin ito
Na tayo'y naging malaya dahil sa sakripisyo ng ating mga ninunong pilipino

Kaya dapat tayo'y magpasalamat
Sa mga pilipino na sa ating bansa ay naging tapat
At ngayon ay ating ipagbunyi
Ang araw ng kalayaan ng pilipinong lahi




Nawa'y nasiyahan ko kayo sa aking orihinal na gawa na tula na tungkol sa "Araw ng Kalayaan" or "Independence Day" sa ingles. Handog ko ang tulang ito sa lahat ng pilipino sa buong mundo ngayong Araw ng Kalayaan.



Maraming salamat sa pagbasa at mabuhay ang pilipino. Ipagbunyi nating ang ating Araw ng Kalayaan.


Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64534.17
ETH 3150.15
USDT 1.00
SBD 4.01