Word Poetry (tagalog): Tula Para Kay Ina (A Mother's Day Special)

in #poetry6 years ago


images (2).jpeg
Image source

"Tula Para Sa Aking Ina"


Magiting na babae
Na aking ipagmamalaki
Siya'y higit sa lahat
At walang makakatapat

Sa pagluluto ay magaling
Na talagang makahuhumaling
Wala kanang ibang mahihiling
Kundi siya ay makapiling

Iyan ang aking ina
Mga anak ay laging inuuna
Pagod niya'y ipagsisintabi muna
Mapagsisilibihan lang kami mauna

Gumigising lagi ng maaga
Para ang agahan ay laging maihanda
Upang sa aking pagbangon
Ay pwede na akong lumamon

Palagi nyang pinapaalahan
Na pag-aaral ay dapat inuuna
Sapagkat ito lang ang taninging kayamanan
Na kanyang maipapamana

Hayaan mo aking Ina
Pag ako nakatapos na
Ikaw naman ang pagsisilbihan ko
At aalagaan ng todo todo

Itong aking tula
Na maikli at hindi mahaba
Pero pagmamahal ko sayo aking ina
Sobrang haba at walang katumbas pa

Kaya nais kong magpasalamat
Na ginawa mo ang lahat
Na ako'y iyong maitaguyod na tapat
Na walang katumbas at walang makakatapat

Itong tulang aking ginawa ay handog ko sa aking magigiting na ina at kahit sinasabi ko sa kanya na mahal ko siya pinadarama ko naman kung gaano siya kahalaga sa amin kaya mensahi ko sa aking ina ngayong mothers day ay sana di siya mapagod na alagaan ako. Salamat rin sa pagpapa-aral sa akin at pag ako nakatapos na at makapagtrabaho ako naman ang mag-aalaga at magtataguyod sayo. Nawa'y nasayahan kayo sa pagbasa ng aking tula at ang tulang ito rin ay para sa lahat ng ina sa buong mundo.

Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jumargachomiano being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62934.09
ETH 3118.65
USDT 1.00
SBD 3.85