Sa Araw ng mga Tatay! (Orihinal na Tula)

in #poetry6 years ago

Ang araw na ‘to ay para sa’yo
At maging sa lahat ng tatay sa mundo
Ang tulang ito’y sa iyo hango
Sa kabutihan at pagiging huwaran mo

Walang sawang pasasalamat
Ang sa labi ko’y isasambit
Pagiging ama mo sami’y isisiwalat
Ilalantad lahat at ako’y hindi paaawat

Responsableng haligi ng tahanan
Pagmamahal ang sa puso’y nananahan
Ibinibigay aming mga pangangailangan
Lahat ay gagawin at paghihirapan

Simpleng pamumuhay sami’y ipinamulat
Respeto sa nakatatanda’y nararapat
Sa lahat ng bagay ay dapat tapat
Paalala tuwina sa’ming anak na apat

Hindi man sagana sa materyal na bagay
Masaya naman ang ating buhay
Sapagkat kumpleto tayo sa bahay
Kaming mga anak, si nanay at si tatay

241F0BC6-D238-4B3F-BD97-18E85990AE5B.jpeg

Larawan mula sa Google

Nawa’y naibigan nyo ang munting tula ng aking buhay 😘

Salamat sa pagbabasa!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60695.64
ETH 2900.11
USDT 1.00
SBD 3.53