L.A. Gun (A poem to the City of Iligan)

in #poetry6 years ago

image source


Nandirito pa rin ang mga
Acacia sa Tibanga,
Nagkandaleche-leche pa rin ang traffic ngayon,
ngunit hindi na kagaya noon,
Marami pa ring naglalakad na magbabarkadang
Muslim at Kristiyano,
Iba-iba man ang tempo ng kanilang martsa,
Subalit, nagtatawanan sila,
Di alintana ang tahimik na diskriminasyon,
May nagbago na rin sa kanya,
Ang bahay-kawayan ay nagging U.M. na,
Ang dating Banz na tagpuan ng mga taong
naghahanap ng espiritu ng alak
ay nagging Maria Goretti na,
Ang 7/11, KFC
Ay nandito na rin,
Di ko alam kung kasunod
o mga establisyemento ang malulunod.
Marami na nga ang sakanya’y nagbago
At patuloy pa siyang magbabago.
Ngunit, kahit ano man ang kanyang kahihinatnan,
Siya’y akin pa ring babalik-balikan,
at ang kanyang pangalan ay Iligan.

image spurce

Sort:  

Beautiful poetry We can share our thoughts through poetry. What's in our minds And it sounds good to everyone. I also sometimes post some poems and I feel happy thank you for sharing your thoughts through your beautiful poems.

Great post there, keep up good work !

This replay was created using STEEMER.NET Alpha ( support STEEMER.NET Transactor / Wallet / Exchange Project here: https://steemit.com/investors-group/@cryptomonitor/steemer-net-steem-blockchain-transactor-for-windows-android-app-funding-update-243-1200-sbd-28-12-2017 )

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 68241.10
ETH 3783.44
USDT 1.00
SBD 3.65