Balagtasan 4 (Araw ng mga Ina)

in #poetry6 years ago

BUKOD TANGING INA

Ngayong araw ng mga Ina,
Dala namin sa puso ang tuwa.
Kahit minsan lang kami sa’yong tabi
Pagmamahal palagi aming sinasabi.

Buong mundo sayo’y pumupugay,
Gumugunita’t iniisip ang iyong mga gabay.
Kabutihang loob sayo aming handog,
Na galing sa iyong mga hubog.

Ngayong araw ng mga ina,
Ligaya rin ang aming nadarama
Pagkat kahit ang iba ay di na masisilayan,
Pero ang bakas ng kahapon hindi malilimutan.

Kaya dito nais kung ipadama.
Sa iyo dakila naming Ina.
Ang taos puso naming pasasalamat,
sa iyong pagmamahal na ipinamulat.

Sino mang Ina ang nakakabasa nito.
Maligayang araw na Ina sa inyo.
Uulitin ko ang aking pasasalamat,
Dahil sa pagmamahal na iyong ipinamulat.

Yours truly
@redspider

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63877.55
ETH 3143.56
USDT 1.00
SBD 3.97