Balagtasan 8 (Munting Tinig)

in #poetry6 years ago

Munting Tinig


images.jpg

link

Mula bukang liwayway nais kang pakinggan,
Boses mo’y kay lamig, ang sarap balikbalikan.
kahit walang tugtog puso ko’y tumatalbog.
munting tinig mo lang, sa akin nakakabusog.

Hindi ka man minsan masilayan sa isang araw,
Tainga ko’y hinahanap ang boses mong sumasayaw.
Sa simpling kanta mo ako’y napapa-indak,
Nagbibigay ng ngiti sa labi’t mga halakhak.

Ano na nga ba to bat palagi kang naiisip.
Sa bawat paglingon ko ikaw’y nais masilip.
Kumanta ka lang kahit ako’y nasa malayo,
Alam ko’y galaw mo lang tataba aking puso.

Hindi ka man katulad sa ibang mang-aawit,
Na tinitingala at maraming nagkaka-inggit,
Subalit espesyal ka at mahalaga,
na kahit sino sayo’y mapapasaya.

______________ ____________________________

Iyong lingkod,
@redspider

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63475.77
ETH 3117.23
USDT 1.00
SBD 3.94