SAAN KA SA KANILA? THURSDAY POETRY

in #poetry6 years ago

images (1).jpg

unnamed.jpg

Isang hapon ako'y gumala
Sa lugar na kung tawagin ay Maynila
Ako ay may nakasalubong na dalawang bata
Nagkukwentuhan sila habang may pagkaling dala

Nagulat ako sa kanilang ginawa
Balat ng pagkain tinapon nang basta
Tanong sa sarili, di ba sila naawa
Sa mga tagawalis ng kalat sa kalsada

Lumingon naman ako sa kabilang banda
Natuwa ako sa ginawa ng tindera
Plastik na lalagyan ay pinagbabawal na
Dyaryo at papel ang ipinampapalit nila

Napansin ko rin ang sasakyang bumubusina
Sa mga taong tumatawid kahit ang ilaw ay pula
Ilan na ba ang yaong na disgrasya
Dahil sa kakulangan ng tamang disiplina

Mayroon din namang sadyang kahanga-hanga
Gaya ng isang lalaking pinauna si Lola
Di nagdalawang-isip ibigay sa matanda
Ang pwesto sa sasakyan na dapat ay kanya

Tanong ko sa inyo, aking kapwa
Doon ka ba sa umaasa o nagbibigay pag-asa
Mga kamalian ay maaari pang itama
Na siyang ikagagalak ng ating Poong Lumikha

FOLLOW, RESTEEM AND UPVOTE ME:

@sharatots

Salamat sa lahat po steemians!

God bless! Keep steeming!

XOXO,

SARAH

Sort:  

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

You have received an upvote from @livesustainably. I promote and curate content that encourages and educates others in living sustainably. You can support the live sustainably cause on Steemit by upvoting, resteeming and creating content under the tag #livesustainably.

You can also benefit and support the cause by using the upvote bot @greengrowth.

Minimum bids from 0.01 SBD! The early adopters of this new bot have been receiving 100% upvotes! Wow!

LiveSustainably also has weekly competitions to win free Steem and we now have an upvote bot that is growing in power.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63839.42
ETH 3215.37
USDT 1.00
SBD 3.83