Filipino Poetry "Edukasyon Tanging Pamana"

in #poetry6 years ago

Nakakatuwang pagmasdan ang pag-akyat sa entablado

Suot ang uniporme at sapatos na bago

Ngiting naguumapaw na wari'y bagong sweldo

Hindi maipagkukubli ang kasiyahan sa mga mata mo.


Isang taon sa eskwelahang primera

Isang taon na puno ng saya

Pasimula pa lamang ito ng iyong pagbangon

Sa buhay na puno ng iba't ibang hamon



Anak ko makinig ka

Ang buhay ng tao'y paiba-iba

Maaaring ngayon ay hirap ka

Maaaring bukas ay angat na


Anak ko paghusayan mo pa

Upang kinabukasan mo'y maging kasiya-siya

Edukasyon ang tanging mapapamana

Edukasyong hindi mananakaw ng iba.




-Fey

Ang mga litrato sa artikulong ito ay pagmamay-ari ni @smafey


Halina't tulungan natin si @surpassinggoogle sa pamamagitan ng pagboto sa @steemgigs bilang witness.

Sort:  

congrats po sa mga nagsipag tapos. God bless.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 65955.88
ETH 3055.54
USDT 1.00
SBD 3.69