TULA (POETRY #20): PAGMAMALUPIT SA SARILI(ITO AY HANGO SA AKING NAKITA AT NARINIG)

in #poetry6 years ago (edited)

"PAGMAMALUPIT SA SARILI"
orihinal na likha ni @tinkerrose

pinagmulan

Damdaming umiiiyak, damdaming humahagolhol, di alam ang gagawin,
Saan ako tutungo? Saan ako dito sa mundo? Ano ako sa ating lipunan?
kailanman ito ay aking pinagsisisihan ngayon bukas at sa kasalukuyan,
Hindi ko alintana na ito ay aking mararamdaman at mararanasan.

Nasaan ang hustisyang pinapangarap? Ng aking sarili, ng aking puso,
Bakit ang tadhana ay kay pait at kay lupit, Gusto kung bumangon, Oo,
Ayaw ko na itong magsisilbing anino ng aking buhay, isang tukso,
Ang pag-ahon sa madilim na mundo, kay hirap, Ako’y tulungan ninyo.

Hindi ko ito ninais, hindi ko ito planong gawin, ngunit ito’y tapos na,
Nandito na, at hindi ko na kayang ayawan at ito’y iwanan pa,
Nagsusumamo, nakaluhod sa harap mo, na bigyan ako ng pag-asa,
Isang pag-asa na ang liwanag ay hindi na mawawala at ako’y balisa.

Oo, Isang druga ang nagsira ng pangarap ko, ni Inay, ni Itay at sa akin,
Hangarin ng lahat maging sarili ay kapakipakinabang, dapat itong lupigin,
Ang pagkakapariwa ang isang landas na bukal sa loob na tatahakin,
Kaya ating mga kabataan, pangarap at kabutihan ang siyang unahin.


Nawa ito'y inyong maibigan. Mula sa aking malikhaing isipan.

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63688.35
ETH 3125.30
USDT 1.00
SBD 3.97