TULA : Ang Estado

in #poetry6 years ago

image

Ito ang ba ang tamang daan?
At tama ba ang aking nilalakaran?
Bitbit ko ba ang tamang karunungan?
Na armas ko sa bawat kinabukasan?

Hindi ko mawari, hindi ko sigurado
Kung tama bang maging titulado
Na tinitingala ng buong mundo
Hinahangaan ng maraming tao

Sapat bang sabihing ikay mayaman
Nakamit mo lahat ng iyong inaasam
Pera, kotse at iba pang karangyaan
Sagot kaya nito ang iyong kaligtasan?

Ang tanong ngayon, ako bay maligaya
Kahit walang kaibigan, walang pamilya
Na sila nang kasama sa aking pagtawa
At aking karamay sa lahat ng pagdurusa

Ano nga ba talaga ang aking estado
Ito bay maayos o itoy komplikado
Yan rin ang katanungan ng ibang tao
Hindi ko rin alam akoy nalilito

Anupaman ang aking pinagdadaanan
Lahat ng itoy may paglalaanan
Panginoon patawad sa mga kasalanan
Paniguradong nandiyan ka at di ako iiwan

Manunulat ,

Sort:  

Amen!

Jan ka talaga magaling sa poems sis bah.
Ako mag sulat ng poem aabutin cguro ng ilang araw, hahaha

Posted using Partiko iOS

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64222.08
ETH 3135.29
USDT 1.00
SBD 3.99