" ANG SWERTE KO SA INYO "

in #steemit5 years ago (edited)

Simula ng dumating ako sa mundo niyo
Bawat mulat ng mata ko ngiti't galak nasa mukha niyo
Walang araw na hindi niyo ako napapasaya
Na sa bawat pagdapa ko
Anjan kayong dalawa para alalayan akong tumayo

Na sa bawat iyak ko
Andiyan kayo agad ng walang reklamo
Na sa bawat sakit na natatamo ko
Kita sa mukha niyong kayo ang mas nasasaktan sa kalagayan ko

Na sa bawat araw na ginawa ng Diyos
Ako ang ginawa niyong panlaban sa unos
Ginawa niyo akong dahilan para hindi agad sumuko sa laban
Na kahit nahihirapan itutuloy parin ang laban

Na ang gamot sa pagod niyo ay ang aking tawa
At ang gamot sa kalungkutan niyo'y pagdamay ko
Na sa bawat araw na nagdaan
Ako ang inyong dahilan

Kaya ngayon hayaan niyo akong lumaban para sa inyo
Hayaan niyo akong ibalik ang lahat ng kabaitan niyo
Pagkat ngayon gusto kong ako naman ang huhugot ng lakas sa inyo
Ako naman ang magpapakahirap para sa inyo

Ako naman ang lalaban para sa inyo
At sana hindi pa huli ang lahat
Para sa inyo ako ay magtapat.

MAMA ang swerte ko sa inyo
Tandaan niyo lang palagi na "MAHAL NA MAHAL KO KAYO"
At kayo ang perlas kong ayaw kong mawala sa pangangalaga ko.

Pagkatapos mo basahin pwedeng
Pa-Follow na din ➡ Acasa Hadjiali

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.031
BTC 62177.56
ETH 2918.14
USDT 1.00
SBD 3.66