Ibig Ko

in #steemitdiversify6 years ago (edited)

love
visual hunt

Ibig ko'ng hagkan ka, hanggang tayo ay magsanib.
Ibig ko'ng halikan ka, ng walang hanggang tamis.
Ibig ko'ng makasama ka, maglakbay hanggang langit.
Ibig ko'ng malaman ang iyong iniisip, nariyan ba ako?
Ibig ko'ng marinig ang tibok ng iyong dibdib, ako ba ang itinitibok nito?

Ibig ko'ng makita ka lagi, di maalis sa aking paningin.
Ibig ko'ng pagsilbihan kita, wala na ngang iba.
Ibig ko'ng magsabi ng panata, ikaw lang talaga!
Ibig ko'ng matawa ka, kapag di ka natatawa sa aking patawa!

Ibig ko'ng hagurin ang makinis mong balat, malasutlang ganap!
Ibig ko'ng ibulong na mahal kita, sa nakabibingi mong pag-iisa.
Ibig ko'ng walang hanggang kang nariyan sa tabi ko.
Ibig ko'ng hinahanap kita kapag darating akong wala ka sa tahanan.

Ibig ko'ng sa isip ko'y lagi kang narito, magpakailanman.
Ibig ko'ng komportableng katabi kita hanggang sa makatulog ka.
Ibig ko'ng ang lahat ng pagkakataon ay nasa iyo ako.
Ibig ko'ng araw araw kitang minamahal sa kaibuturan ng pusod ng dagat.

Ibig ko'ng marinig ang tinig mo at mamutawi sa bibig mong tayo lang.
Ibig ko'ng nasa tabi kita sa oras ng paghikbi mo.
Ibig ko'ng mata mo'y di nangingilid ng luha bagama't may bigat kang dala.
Ibig ko'ng dumarating na araw ay may liwanag sa mukhang mong aba.

Ibig ko'ng hablutin ang kalubhaan ng sakdal-sakit.
Ibig ko'ng hawiin at hatiin at sumaklob ako'ng sa iyo'y kapiling.
Ibig ko'ng sabay nating patirin ang maglalahong kamalayang ito.
Ibig ko'ng ihatid tayo sa hantungan ng walang hanggang pagmamahalan.


February 18, 2018

Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group (STEEMITDIVERSIFY) and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Others that are good: @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @henry-grant and @paradise-found, also the many others who have visited My posts. Pls. support them too. Thank you very much.

I am grateful for that and for everyone who has helped me and my friends.

SD logo here

Sort:  

Meron mam. Later makikita mo.

wow all love poems hmmm lost love?

Ma'am tulang simple lang iyan.

dumama lang mam.

grabe yung feels!!!!!!!

mam halatang obvious n kinilig ka mam. tumula lang ako. hindi ako umibig. kaw talaga.

sir! san mo hinugot yung tula mo kung di ka umiibig. iba ung feels eh. hehe

hugot sir??? san po ba hinugot yan @iwrite

Thanks lagria.daren!

So inlove sir @iwrite
Extended ang araw ng mga puso sa pgmamahal...

Mukha lang mam... I used a character in my head. Put the content... Hayan ang nangyari...

Ibig kong bigkasin ang aking taos pusong pasasalamat sa pamamagitan ng komentong ito, sa iyo sir @iwrite, salamat sa tulang ito na punung puno ng emosyon :-) God bless po sir :-)

Walang anuman mam shirleynpenalosa. Ikinagagalak ko ang muli maisama ka sa SD! Mabuhay ka!

love poem again lol.. haha bat ang dali magsulat ng love poem, ano? feel na feel dahi sa Feb-ibig..

Though sa Filipino ako nagsusulat. Pinagbigyan ko lang ang musang ito. At hayan ang nating resulta. Thanks ladyjah!

ang lalim sir nice :)

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.13
JST 0.031
BTC 61587.45
ETH 2890.35
USDT 1.00
SBD 3.43