Paglalakbay sa Dako Pa Roon (Biyernes): Ang Alon ng Buhay

in #steemitdora6 years ago (edited)

Magandang buhay mga ka- #steemitdora😊😊😊

Sa araw na ito muling magpapatuloy ang ating "Paglalakbay sa Dako Pa Roon" ni @steemitdora ang panibagong yugto.

Mula sa bundok tayo ay bababa sa dagat.Tulad ng dagat ang buhay natin ay ganun din.Malawak,maalon,tumataas at bumababa.Sa ating paglalakbay e ku-kwento ko sa inyo ang karanasan na minsan ko ng pinag daanan at maaaring napag daanan niyo na rin na nag bigay aral sa ating buhay.😊
image
Ang alon na aking pinagdaanan ay hindi mamarapatin ng sinuman na mapag daanan.Ang pamumuhay namin noon ay maayos at tama lamang.Nag iba ito ng magkasakit ang aking ama.Kaya hindi maka pag trabaho.Si mama ang kumayod at tinutulungan ko siya habang nag aaral ako.Ang pinagkaka kitaan namin noon ay nagtitinda si mama ng kakanin.Inililibot namin ito sa palengke.Sumasama kasi ako pag walang pasok.At kung may pasok naman.Nagdadala ako sa skwelahan at nag bebenta roon kapag recess time.At sa awa ng diyos nauubos naman.Hindi pa diyan nagtatapos ang alon mas lalo pang tumaas ito.Ito naman kapag umuulan at tumataas ang tubig sa sapa pumapasok ito sa loob ng aming bahay.Nakaka takot para sa akin dahil akoy musmos pa lamang.Sa mga pagkakataon na iyan natutulog kami sa aming mahabang mesa.Hindi na naman kasi abot ng tubig.Oh siya tama na.Naiiyak na ako,kapag na aalala ko iyan.

*"Masakit man ang napag daanan ko na alon sa aking buhay kung mararanasan ko man iyong muli,ay tatanggapin at haharapin ko,dahil sa alon na iyan natuto akong lumaban at maging matatag na harapin ang mga pagsubok ng buhay." *😊😊😊

Hanggang dito nalang po muna mga #steemitdora. Ingat po kayo lage.Thank you and God Bless😊😊😊Love lots😘😘😘

Yours Truly,

@flordecar26

Ang aking mga paglalakbay sa Panibagong Yugto ng "Paglalakbay sa Dako Pa Roon"

Linggo- ***Bagong Gupit
***https://steemit.com/steemitdora/@flordecar26/paglalakbay-sa-dako-pa-roon-linggo-bagong-gupit-c5ca9e992a74

Martes- MORON
https://steemit.com/steemitdora/@flordecar26/paglalakbay-sa-dako-pa-roon-martes-moron-e5f9802e32271

Miyerkules- Ang Buhay ay parang Puno
https://steemit.com/steemitdora/@flordecar26/paglalakbay-sa-dako-pa-roon-miyerkules-ang-buhay-natin-ay-parang-puno-e026457bc4de4

Huwebes- Akyatin ang Bundok ng Pangarap
https://steemit.com/steemitdora/@flordecar26/paglalakbay-sa-dako-pa-roon-huwebes-akyatin-ang-bundok-ng-pangarap-8046e85e1cdb5

Biyernes- Ang Alon ng Buhay
https://steemit.com/steemitdora/@flordecar26/paglalakbay-sa-dako-pa-roon-biyernes-ang-alon-ng-buhay-607abef19d1fc

At para makita kung pano ang proseso ng paglalakbay na ito,e click lamang po ang link na ito:
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-ang-bagong-yugto-e209802b38466

Sort:  

Ganyan talaga ang buhay @flordecar26. Dapat laban lang at huwag mawalan ng pag-asa. 😀

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63866.68
ETH 3129.16
USDT 1.00
SBD 3.87